Ikaw Pala

27 0 0
                                    

Inspired by: Ikaw Pala by Sugarfree

"Buti at naisipan mong umuwi pa, Im Young Min?"

"Ma naman, kakauwi ko lang o?"

Ayan na naman si Mama, o. Ngayon na lang nga ako umuwi galing sa Seoul, sesermunan na kaagad ako.

"Aba. At wala ka pang dalang gerlpren. Kelan ka mag aasawa?"

Inakbayan ko si Mama at niyaya sa kusina. Siya naman, dire-diretso lang sa pagsermon. Tinatanggap ko naman, kasi namiss ko yun, e. Walang nanenermon sa akin sa Seoul kung makalat ang kwarto ko, o hindi malinis ang apartment ko.

"Kung hindi pa ako makikiusap kay Nayoung na pilitin kang umuwi, hindi ka pa uuwi."

Ay, oo nga pala. May nagsesermon sa akin sa Seoul. Si Nayoung. Bestfriend ko.

"Osya. Umupo ka na't ipaghahain kita ng pagkain."

Ngumiti lang ako at umupo habang nakikinig pa rin sa sermon niya.

Wag na daw ang playboy. Maghanap na daw ako ng mapapangasawa at makakasama habang buhay. Tss. Parang ang dali lang gawin yun, no?

"Sige, ma. Pakilala ko bukas."

"May girlfriend ka na?"

"Wala. Pero manghaharang ako jan sa kanto para may maipakilala ako sa in---Aray!"

Hinampas ako ni Mama ng tatlong beses. Hindi ko ineexpect kaya hindi ako nakailag.

"Pinipilosopo mo ba ako?"

---xxx---

"Sige, Nayoung. Tawa pa. Intayin kitang makatapos. Go lang."

Sinamaan ko ng tingin ang bestfriend ko.

Kung hindi ko lang siya bestfriend, iniwan ko 'to. Kakahiya e. Pinagtitinginan kami dito sa bus. Kami lang ang maingay, I mean... Siya lang pala.

"Para ka kasing shunga. Alam mo yun. Stop being corny and start looking for that someone. Impossible yang mga napapanuod mo sa movie." Komento niya. Nasabi ko kasi sa kanya na iniintay ko pa yung babaeng mag i slowmo sa harap ang magpafast forward sa isip ko.

"Tapos na akong maghanap." Sagot ko. "Palagi na lang mali ang nahahanap ko. Maghihintay na lang ako."

Kinuha ko ang phone ko dahil may nagtext sakin. Nireplyan ko muna bago ko harapin si Nayoung. "Sabi mo?"

"Wala. Sabi ko, goodluck."

Tinignan ko siya ng matagal. Mas mahaba sa good luck ang binubulong bulong niya e.

---xxx---

From: Stone Nayoung.
Una ka na. Malelate ako. Papers.

Oo. Kinain ka na niyang mga papel mo jan.

Yung sabi ni Mama. Dun ka daw maghapunan ha. Pag di ka dumating....


So, uuwi na ulit kami sa Busan. Kung kailan naman ako ang nagyayang umuwi, saka siya hindi sasabay. Madaya din yung isang yun e. Akalain mong ako ang pinagbitbit niyang maruruming damit niya para daw diretso bus stop na siya pagkatapos niya sa office. E since mabait ako, eto dalawang travelling bag ang dala ko. Tig isa kami.

Si Nayoung. Bestfriend ko siya mula grade 3. Ewan ko, basta nalang isang araw, mas gusto kong kasama siya kesa sa dun sa mga bully na kaklase namin. Okay lang din dahil hindi naman siya yung babaeng babae. Mas gusto nga niya si spongebob at tom and jerry kesa sa barbie at kung anu anong pambabaeng laruan. Mas naging close pa kami dahil high school bestfriends nanay namin, na palaging gusto ay nasa bahay ng isa't isa. Kaya ayan, instant kapatid di ba?

Ikaw Pala // Im Young MinWhere stories live. Discover now