BL 9

1.4K 33 1
                                    

[BL 9]

Kenji

Nakayakap ako kay drew habang palabas kami ng bahay. Matapos kasi ang nangyari sa amin kagabi. Ito at nagkaayos.

Oy. Huwag kayo greenminded about sa nangyari kagabi ah. Ang ginawa ko lang naman sakanya ay kilitiin siya hanggang sa nauwi sa pagtulog. Sadyanh pinagod ko lang siya sa pangingiliti ko.

"Ano ba kenji. Hanggang sa paglabas ba nakayakap ka parin huh?" Idiniin ko yung baba ko sa balikat niya ng sabihin niya iyun.

"Eehhh.. kung pwede nga hanggang school eh" pangungulit ko sakanya na nauwi lang din sa asaran namin.

Ganto kami laging dalawa. Asaran at bangayan. Kaya kapag nagkakaroon kami ng alitan. Lumilipas ng isang araw o kung minsan nga ay linggo. Pero syempre kapag malala yung nangyari sa amin.

Nang dumating kami sa school ay nakita namin yung tatlo nag uusap usap.

"Tignan mo drew oh. May pinag uusapan yung tatlong ugok" turo ko sakanya ng makita ko sila jemmy na parang may pagkaseryoso ang pinag uusapan nila.

"Ay. Huwag muna silang pansinin. Sasabihin naman nila sa atin yan eh" napatango nalang ako sa sinabi niya.

Yeah. Ganun nga pala kaming lima. Sabihan ng problema kung kailangan ng tulong.

"Tol. Tol. Huwag kang magu-.... gulat sa sasabihin...." napatigil si albert sa sasabihin niya ng makita niya akung kasama ni drew.

"B-bakit mo siya kasama?" Nagkatingin kami ni drew dahil sa salubong nila sa akin.

Itinaas ko yung kamay ko sakanila tsaka ngumiti ng matamis. Hehe. Alam ko namang may galit ang tatlong ito eh.

"Yow." Bati ko sakanya pero tinarayan ako ni jemmy at sila albert at m.a naman ay tinitigan ako ng masama.

Ilang sandali lang kaming tumahimik dahil dun. Kaya agad din binasag ni drew.

"Nah. Guys tama na. Tama na okay? Ano ba naman yan oh" kinapitan ko yung balikat ni drew at inilapit yung mukha ko sa tenga niya.

"Okay lang. Sabihin mo nalang sa akin sa bahay okay?" Paalam ko sakanya pero hindi naman ako pinaalis ng tatlo ng marinig nila ang sinabi ko kau drew.

"You stay. Dahil about sayo ang sasabihin rin naman namin eh. So better pang marinig mo sa mga ex-friend mo ito" napailing nalang ako sa sinabi niya at ngumiti.

Well. Hindi ko sila masisi kahit ganto sila sa akin. Pero kahit papaano may concern parin naman sila.

"Okay. Balik tayo sa suspense girl ah. Game albert" natawa lang ako ng pilit dahil sa ginawa nila.

Bumalik silang tatlo dun habang kaming dalawa ni drew nkatayo lang.

Tulad nung nauna tumakbo dito sila albert sa amin na para banh may malaking balita ang sasabihin.

"Tol. Tol. Huwag kang magugulat sa sasabihin ko ah." Nakisabay nalang din kami ni drew sa trip nila.

"Oh? Ano naman ba yanh sasabihin mo huh? Make sure na ibabalita mo parang guguho na ang mundo ah" sinubukan kung hindi matawa dahil sa reaksyong binibigay nila.

"Hindi. Mas malaki pa dun tol." Pinutol ni michael yung sasabihin ni albert.

Pero imbes na matawa ako dahil sa pinaggagawa nila. Kabaliktaran pala iyun. Dahil tulad sa sinabi ni drew na dapat parang guguho na ang mundo ang ibabalita ni albert.

Pero satingin ko. Tama ang sinabi niya. Dahil para sa akin nagsisimula palang ang mga pieces ng love story ko. Pero may biglang dumating at ginulo ito.

"Amanda and Kenji.... are engaged" pagpapatuloy ni michael sa sasabihin sana ni albert.

-----------

Nagmadali kaming pumunta sa principal office. Dahil ang sabi nila albert ay naririto daw ang parents ko pati narin yung kay amanda.

Grabi. Hindi ko inaasahan na hahantong sa gantong punto ang gagawin niya. Oo okay na sa amin ni drew na maging boyfriend ako ni amanda. Pero ang ikasal sakanya? Yun ang hindi ko kayang gawin.

Marahas namibg binuksan ang pintuan ng principal office. Kaya napatigil silang lahat sa masayang halakhak na naririnig namin kanina.

"Oh. Nandito na pala ang anak ko. Tara anak umupo ka dito dali" sinunod ko lang ang utos ni papa sa akin. Tsaka umupo sa tabi niya.

Bale kaharap namin ang mama ni amanda at sa magkabilang gilid namin ay ng principal at sila drew na nakatayo.

"So ano amanda kailan niyi gustong ikasal ang anak ko? Grabi kay gandang dalaga mo naman ija hahaha" napatingin lang ako kay amanda ng sabihin iyun ni papa.

Maganda? Sana nga pati budhi niya maputi rin eh.

"Ay ikaw naman. Ikaw nga nagpalaki ng mabait na anak eh" nagbolahan pa sila papa at ang mama ni amanda. Kung sila natutuwa pwes ako hindi nuh.

Ni wala man lang paabiso sa akin.

"Byeno. Kung gusto niyo talagang maikasal ang mga anak niyo. Bakit sa nalalapit na sem break? Isang buwan nalang at sem break na ng mga bata. Ano sa tingin niyo?" Napatigil silang dalawa dahil sa suggestion ng principal namin.

Itong school kasi namin hindi siya yung normal school. What i mean is church school ito. Katabing building lang kasi nito ay ang simbahan.

"Hmm. Magandang ideya. Nako anak malaking biyaya ito para sa amin ng mama mo" hindi ko lang pinansin si papa.

Malaking biyaya? Para sa akin nga ang laking kamalasan nito eh. May sasabihin pa sana ako tungkol sa bagay na ito sakanila pero natigil din dahil sa mama ni amanda.

"Ay nako. Tama ka malaking biyaya nga ito. Dahil magkaka apo na ako" tila ba sa isang salitang binitawan niya ay maraming ibig sabihin ang katumbas nun para sa akin.

"M-mag kaka apo? B-buntis po si amanda tito?" Hindi mapigilang magtanong ni drew dahil sa narinig niya.

Kung sila gulat na gulat dahil sa narinig nila ako sobrang gulat ba gulat. Dahil paano ko mabubuntis si amanda? Ni wala namang nangyari sa amin eh.

"Ah. Oo andrew. Gandang balita nuh? Nako umattend ka ah. Ikaw pa naman bestman ng bestfriend mo" napatingin ako kay andrew dahil sa sinabi ni papa.

Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko ng tignan ko siya. Pero tingin ko parehas kami ng nararamdaman.

"C-congrats kung ganun pala. Edi masaya ang mangyayari tito" kung kanina parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi nila papa.

Pero ng marinig ko lang ang sinabi ni drew. Natuluyan ng gumuho ang mundo naming dalawa.

Aaminin ko. Isa akung straight na lalaki. Never pa akung nainlove sa kapwa kung lalaki. Pero nung nagsimula kaming maghigh school ni drew.

Unti-unting nagbago ang paningin ko para sakanya. Pero kahit isang beses hindi ko inamin ang nararamdaman ko.

I hate to reject. I don't want to be rejected by someone i love. Ayoko ng ganun. Kaya hanggang sa makakaya ko i stay to be his bestfriend. Nagstay ako bilang bestfriend lang sakanya.

P-pero...

"KENJI. SAAN KA PUPUNTA" hindi ko na mamalayan na tumakbo pala ako palabas ng office ng principal.

Ewan ko kung bakit. Basta pakiramdam ko kailangan kung umalis dun. Kailangan kung mapag isa ngayon.

Kainis. Bakit nagkaganto ganto ang lahat. Tsaka buntis? It's fck. Hindi ko kayang bumuntis ng isang tao kung hindi ko naman mahal. Kaya paano nangyari ang ganun? Pati nga pagtatalik hindi ko nagawa sakanya.

BESTFRIENDWhere stories live. Discover now