BL 20

1.1K 33 2
                                    

[BL 20]

Kenji

Dumating ako sa pinag usapan namin ni amanda na restaurant.

I started to go out with her matapos ng semestral break namin. Hindi ko alam kung bakit ko iyun ginawa after all ng nangyari sa pagitan namin.

Basta i feel comportable with her kaysa sa ibang babae. Kaya ito kahit ayaw niya ako ang nag insist.

"Welcome sir" napangiti ako ng may bumati sa akin.

"Thank you" sabi ko nalang tsaka pumasok sa loob.

Inilibot ko ang buong paningin ko para makita lang si amanda. Pero nang makita ko siya. Isang tao ang nakita kung malapit lang din sakanya.

A-anong ginagawa niya dito? T-teka huwag mong sabihin sinabi ni amanda sakanya na nagde-date kami?

Aish. Ano bang babae ito. Bakit niya pa dinamay rito si andrew.

Hindi ko nalang muna pinansin yung presensya ni drew ng makita ko siyang nakangiti sa direksyon ko. Basta nagdere-deretso lang ako papunta kay amanda.

"K-ken....." narinig kung tatawagin niya sana ako pero itinigil niya rin ng tawagin ako ni amanda.

"Kenji. Wow. At talagang niyaya mo akung magcut ng class ah" salubong niya sa akin pero kaagad ko lang siyang pinaupo.

Anong magcut ng class? Hindi ko trip yun nuh. Kaya lang naman kita pinapunta rito dahil gusto ko lang magpalate.

"Anong cut ng class? Sira hin-----" napatigil lang ako sa pagtatama ng sinabi niya ng may marinig akung pamilyar na boses.

"Andrew. Teka sandali" napatingin ako sa pinanggalingan at nakita ko dun si gerry na hinahabol si andrew.

Hay. So magkikita rin pala sila ditong dalawa? What a coincidence nga naman.

"Hay. Nako. You know what masaya akung kasama ka ngayon. Pero ewan ko kung bakit hindi ko kayang maging masaya..." napatingin ako kay amanda sa sinabi niya.

"A-anong ibig mo namang sabihib?" Tanong ko sa sinabi niya.

"Oo masaya akung kasama ka. Kasi you know na ako yung naghahabol sayo dati. Pero alam mo? I think itong ginagawa mo parang pinapasama mo lang ang loob ko. Alam mo ba yun?" Kumunot yung noo ko dahil sa sinabi niya.

Pinapasama yung loob niya? Hibang ba ang taong ito? Ano bang pinagsasabi niya?

"Siguro kung magkaayos kayong dalawa siya ang pupuntahan mo diba? Si andrew? Maha mo ba siya?" Napatahimik ako sa sinabi niyang iyun.

G-ganun na ba kadaling mapansin?

"I know you kenji. Oo may nangyaring hindi maganda sa ating dalawa pero ayoko namang may ibang mangyari sainyong dalawa. Oo sa una palang ayoko kay andrew kasi feel ko may gusto siya sayo. Pero nang obserbahan ko kayong dalawa? I think hindi lang siya ang may gusto sayo. Ikaw din may gusto sakanya hindi ba?" Napatungo ako sa sinabi niya.

K-kung may gusto naman siya sa akin why he choose someone than me? Bakit mas pinili niya kaming iwan para lang kay gerry?

"Pero may mahal na siyang iba" out of the blue na sabi ko sakanya.

BESTFRIENDWhere stories live. Discover now