Ikaapat na Tugma

310 20 1
                                    

07/29/17 

00:14  


Tinitingnan ko ang mga bituin ng maalala kita, hindi ka nga pala naniniwala sa Kaniya. Hindi ka na nga pala nakakapagsimba. Hindi mo na nga pala Siya kinikilala. 


Naalala ko nu'ng may binigay na flyers tungkol sa Kaniya, ibinigay mo agad ito sa akin. Nu'ng ilalagay ko 'to sa loob ng bag mo, muntik mo na kong awayin. Ayaw mo ng mga ganitong bagay dahil ang sabi mo, "Masusunog lang ako d'yan." 


Pinipilit kitang maniwala sa Kaniya, ayaw mo naman. Pinipilit kitang magsimba, ayaw mo naman. Siguro nga tama ako... tama ako na kaya kita nakilala ay ako ang magsisilbing gabay mo, magsisilbing paa mo, magsisilbing daan mo para maniwala ulit sa Kaniya.


Wala man akong pakpak, wala man akong makinang na bilog sa ibabaw ng aking ulo, hindi man ako nakaputing bestida na laging nakasunod sa'yo. Alam ko sa sarili ko na ako ang anghel mo. Ang anghel na gagabay sa'yo, ang anghel na yayakap sa'yo at ang anghel na magmamahal sa'yo kapag wala ka ng matakbuhan sa ibabaw ng mundong ito, ako muna ang hahawak sa kamay mo at sabay banggit ng; "Hindi ka na nag-iisa ngayon, nandito na ako ang anghel mo.".

Sana'y Ikaw Ang Aking TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon