F11:Raptured Illusions

2.8K 98 42
                                    

Maagang bumangon si si Agatha para maayos siyang makapaghanda sa kanyang pagpasok sa paaralan. Sinuri niya isa-isa ang kanyang mga gamit bago tuluyang isuot sa kanyang likuran ang kanyang pink backpack. Bago lisanin ang bahay, huminto muna siya sa napakalaking larawan ng kanyang lola sa salas at yumuko. Ipinikit niya ang kanyang mga mata kasabay ng pagbulong ng mga pariralang latin. Marahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at ngumiti. Dahan-dahan siyang nag-bow sa harap ng larawan bago magsimulang maglakad palabas ng kanilang pintuan. 


Sa pagdating sa paaralan, nadatnan niyang si Case na nakaupo sa bench malapit sa school entrance. Napansin niya ang mga kilos na pag-dungaw ng dalaga na tila may hinihintay ito. Bahagyang napangiti si Agatha at bumulong ng pangalan habang nakatitig kay Case.


"In the name of Earl of Hell, Bifrons I command you." Nataranta si Case nang makita niya si Agatha na nakatitig sa kanya. Mariing siyang napalunok at dali-daling pumasok na ng paaralan. Bahagyang ngumiti si Agatha at kinuha ang kanyang baong karayom sa bulsa. Itinusok niya ito sa kanyang hintuturo dahilan para sumirit ang dugo rito. Kinuha niya ang kanyang puting panyo at agad pinunasan ang dugong tumulo sa kanyang daliri. 


"A life for death, and a death for a life." Bulong ni Agatha na nasundan ng bahagyang pag-ngiti. 


Nagmamadaling dumiretso si Case sa girl's locker room para kunin ang kanyang mga gamit. Nagbabalak ang dalaga na kitain ang kanyang ibang mga kaklase para warningan sila kay Agatha. Kinuha niya ang susi ng locker sa kanyang bulsa at agad itong binuksan. Pagbukas niya ng locker, napalingon siya nang may makita siya sa salaming nakadikit sa locker niya ng maitim na shadow sa kanyang likuran. Tatlong mabibilis na beses niyang kinurap ang kanyang mga mata. Tama. Tama ang kanyang iniisip. Iyon ay isang guni-guni niya lamang dahil sa pagkakaba. Nagbuntong-hininga siya't isinarado na ang kanyang locker. Paglabas niya sa locker room, nakasalubong niya si Trix na parang may hinihintay. Napangiti siya nang makita ang kaklase at agad itong nilapitan.


"Trix." Tawag niya sa pangalan ng kaklase. Nilingon siya ng dalaga at nginitian din siya pabalik. Tatanungin sana niya ang kaklase pero nagulat siya nang makita niyang itinutok sa kanya ng dalaga ang isang razor na itinatago niya sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata ni Case nang makita niyang lumapad ang ngiti ng dalaga nang makitang natatakot siya. Walang hesitasyong binaon ni Trix ang razor na hawak sa tiyan ni Case. Marahang bumuka ang sugat sa kanyang tiyan. Sumirit ang dugo't napuno ang kanyang damit. Napaatras si Case kay Trix at nakita ang unti-unting pagbabago ng mukha ng kaklase. Hindi niya na napigilang mapasigaw sa takot nang makita niya ang unti-unting pagdeform ng mukha ng dalaga. Halos maluluwa na mata ng elemento sa kanyang harapan, buto't balat, mga ngiping nababalot sa malansang mancha ng dugo, at mapupulang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.


"T---Trix?!" Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan ng kanyang kaklase. Bigla siyang napadilat nang maramdaman niyang hinawakan siya sa kanyang leeg ng elemento sa kanyang harapan. Mariin siyang napalunok habang pilit na tinitignan ang kaklase. Nilamon na siya ng kanyang takot nang makitang mayroong pang isang  mukha sa likuran ng kaklase. Tahimik itong bumubulong ng mga dasal sa wikang Latin na nasusundan ng mga katakot-takot na tawa. Naramdaman ni Case ang unti-unting pagsikip ng pagkakasakal sa kanya. Sinubukang tadyakan ni Case ang elemento pero hindi siya nagtagumpay. Marahas siyang ibinaba sa pagkakasal at mahigpit na hinatak ang kanyang buhok. Kinaladkad siya papasok sa locker room kung saan ipwinesto siya sa pader. Nangangatog ang mga tuhod ni Case sa mga oras na 'to. Gusto niyang sumigaw pero pakiramdam niya'y parang pumipigil sa kanya na gawin ito. 


"Acerrima proximorum odia." Mas lalong dumiin ang pagkakasandal ng katawan ni Case sa pader. Unti-unti siyang lumutang sa ere kasabay ng paglapat ng kanyang mga kamay. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdam siya ng kakaibang hapdi sa gitna ng kanyang mga palad at paa. Tila ipinapako siya sa pader. Hindi niya maiwasang maluha nang makita niya ang unti-unting pagsulat sa kabilang pader ng mga salitang "The hatred of those most nearly connected is the bitterest of all". Paulit-ulit na isinisigaw ng demonyo ang kanyang sinasabi. Lumapit siya kay Case at marahang ibinuka ang bibig ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Case nang maramdaman niya ang marahas na pagpasok ng kamay ng demonyo sa kanyang bibig. Sumirit ang dugo kasabay ng pagputol sa kanyang dila ng demonyo. Pagkakuha sa kanyang dila ay agad itong dinilaan ng elemento. Bago magpatuloy sa kanyang pagpapakahirap, muling nanumbalik ang kanyang mukha ni Trix. Isang nakalolokong ngiti ang kanyang pinakawalan habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ng dalaga. Marahan niyang ipinasok ang dila ni Case sa kanyang bibig, at tuluyang hinalikan ang dalaga. Kasabay ng kanilang paghahalikan ay ang pagdulas ng dila ni Case sa kanilang mga bibig. Patuloy ang pagtulo ng luha ni Case habang tuwang-tuwa ang demonyo sa pagbababoy sa dalaga. Sa gitna ng kanilang marahas na halikan, kinuha ni Trix ang kanyang razor blade sa bulsa at marahan itong pinaraan sa lalamunan ng kaklase. Binitawan ni Trix at umupo siya sa sahig. Nakatingin siya sa kaklase habang pinapaulit-ulit pa rin ang mga katagang "Acerrima proximorum odia". Kahit na naliligo na siya sa dugo ng kanyang kaklase, ipinikit niya lamang ang kanyang mga mata at pinagpatuloy ang kanyang pagdadasal sa kanyang pinaniniwalaang Diyos. Kasabay ng tuluyang pagkamatay ni Case ay ang pagkawala ng malay ni Trix.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon