Nagpunta si Agatha sa girl's restroom at nagkulong. Nakatingin lang siya sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Naghilamos siya ng kanyang mukha. Tinitigan niya ang salamin at nagsisisigaw. Mararamdaman mong puno ng poot at galit ang laman ng mga sigaw ng dalaga.
"Hindi! Hindi totoo ang narinig ko kanina. Hindi pa patay si Lola Barbara." Nanghihina nyiang bulong sa sarili. Umupo siya sa gilid at nagsimulang humagulgol. Nakaupo siya nang parang isang bata, nakakulong ang kanyang dalawang binti sa dalawa niyang kamay.
"Lola, ang daya-daya niyo naman eh, sabi niyo hindi niyo ko iiwan..." Wika niya, nagbuntong hininga ang dalaga at biglang napatingin sa basang tiles ng banyo. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang repleksyon ng isang matanda sa sahig ng panghuling cubicle. Agad niyang tinignan kung may tao sa bawat cubicle pero wala siyang makita kahit isa. Nang nasa harap na siya ng panghuling cubicle, biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang napakalamig na ihip ng hangin. Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang kamay sa pintuan ng cubicle at marahang tinulak ito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, nang maramdaman niyang nabuksan niya na ang pinutan nito, dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nagbuntong hininga ang dalaga dahil wala rin siyang nakitang tao rito, pero naging palaisipan sa kanyang isip kung sino ang matanda na nakita niyang repleksyon sa sahig.
"Kailangan ko nang umuwi, baka kailangan na ko sa bahay." Bulong niya sa kanyang sarili, dumiretso na agad siya sa pintuan ng banyo. Hawak-hawak niya na ang doorknob ng biglang bumukas ang panghuling cubicle. Nakaramdam siya ng takot kaya nagmadali siyang lumabas ng banyo. Sa loob naman ng banyo ay muling nakita ang repleksyon ng matanda sa sahig nang nakangiti na parang pinagmamasdan si Agatha. Paglabas ni Agatha ay dumiretso siya agad sa kanyang classroom upang magpaalam sa guro.
"Agatha?! Saan ka galing? Alam mo bang patay na ang lola Barbara mo?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ng guro pero nakayuko lamang siya. Hindi siya sumagot sa tanong ng guro, hindi niya rin namamalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha sa mata.
"Kailangan ko na pong umuwi." Matipid niyang sagot, pagkatapos ay pumasok siya sa classroom para kunin ang kanyang bag. Palabas na sana siya ng biglang hinarang siya ni Teacher Saeko. Nakapamewang ito habang tinitignan ng masama si Agatha.
"Saan ka pupunta? Alam mo bang labag magcutting classes?" Mataray na pagkasabi ng guro. Napayuko si Agatha at halatang natatakot sa guro.
"Kailangan ko pong umalis, namatay ho kasi lola ko." Magalang niyang sagot sa guro, pagkatapos ay nagbow. Paalis na siya ng biglang hinawakan ni teacher Saeko ang kanyang braso.
"No! You're not going anywhere." Pagmamatigas ng guro na ikinagulat ni Teacher Yuki. Agad lumapit si Teacher Yuki sa dalawa pero muling nagsalita ang guro.
"Huwag kang mangielam dito Yuki! Tandaan mo, bago ka pa lang dito sa eskwelahan. Marami-rami ka pang hindi alam tungkol sa eskwelahang ito, huwag mo ring balaking pigilan ako, hindi mo 'ko kilala." Pananakot ni Saeko sa kapwa-guro. Sinubukang magpumiglas ni Agatha pero mas lalo lang na hinigpitan ng guro ang pagkakahawak sa kanyang braso. Dinuro-duro niya si Agatha at halatang nanggi-gigil sa dalaga.
"Kapag sinabi kong hindi pwede! Hindi pwede?!" Nagagalaiting sigaw ng guro. Tinignan ng masama ni Agatha si Teacher Saeko at muling pumamiglas. Nagawa niyang makalaya sa mahigpit na pagkakahawak niya, hindi nakapagpigil si Teacher Saeko at biglang nasampal ng malakas si Agatha. Niyakap ni Teacher Yuki ang dalaga at kwinestyon ang inasal ng kanyang kapwa guro.
BINABASA MO ANG
Forbidden
Paranormal"They pledge themselves to be young, stay young... and die young." Lahat ng kasalanan ay may katumbas na kabayaran. Hanggang saan ang kayang mong gawin para mabuhay? Handa ka na bang makipaglaro kay kamatayan?