9

55 11 1
                                    


Cara

"Ma, pantulong sa bayarin sa bahay."

Inabot ko kay Mama ang 3 thousand na kinita ko kagabi. 2 thousand lang talaga napagusapan namin nung client pero dinagdagan nya.

Alangan namang tumanggi ako?

"Salamat, anak!" Nagulat si Mama sa laki ng kita ko. Hindi nya alam na pagkababae ko ang nakasalalay sa perang hawak nya.

Sinabi ko kay Mama na part-time tutor ako ng mga mamayang kids sa Montessori. Mataas sila magbayad kaya malaki ang kita ko.

Ang sakit isipin na niloloko ko ang nanay ko.

"Pero wag naman sana maka-interfere sa pag-aaral mo ang trabaho mo, Cara ha. Mahalaga pa rin na makatapos ka."

Makakatapos ako, Ma.

And it's not like sobrang hirap ng trabaho ko.

Nakakasuka, oo. Pero hindi mahirap.

I Fell In Love With A ProstituteOnde histórias criam vida. Descubra agora