11

54 10 1
                                    


Cara

"Malungkot ka ata ngayon, anak?" tanong ng nanay ko. Dalawa lang kaming kumakain ngayon sa dining table.

Si Noah, tulog na. Si Papa, wala daw gana.

Lagi naman syang walang gana.

"Stress lang siguro sa school,Ma."

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Well, I know na marami akong pagkukulang bilang nanay mo, Cara. But if there's one thing I know, it's that you are a tough lady."

Every time na nagkakaroon kami ng one-on-one time ni Mama, lagi nyang sinasabi yun. Parehas kami. Parehas kaming malakas.

"Yes, Ma. I know. Manang-mana ako sayo."

Before, bago sya magkaroon ng mga anak, she's working as a Senior Marketing Associate. Pero she quit her job nung magka-anak sya.

Pinili nyang maging full-time mom.

Alam kong naghahanap sya ng work ngayon dahil patapos na ako ng pag-aaral at malapit na mag-high school si Noah. I'm just hoping na matanggap na sya para kahit papaano may stable income na kami.

Paubos na kasi ang dignidad ko.

At natatakot ako na baka wala nang matira sakin.

I Fell In Love With A ProstituteWhere stories live. Discover now