🌼Nagmahal🌼

9 0 0
                                    

Masaya ka kasi kayo na. Walang mapagsidlan ang iyong tuwa't galak kasi sa wakas sa iyo na siya at sa kanya kana. Lahat ng effort at tiyaga ay worth it.

Nagmahal ka at Minahal ka.

Yung mga ngiti mo na siya ang dahilan. Tuwing gabi napapaisip ka. Sheyt ang swerte ko dahil sakin siya.

Yung feeling na gusto mo nalang siya laging makasama. Yung lagi nalang kayong nakadikit sa isa't isa dahil hindi na mapaghiwalay at ayaw mong mawala siya sa paningin mo kasi namimiss mo agad siya o ayaw mong mahiwalay sa kanya kasi possessive ka at ayaw mong may tumitingin o lumalapit sa kanyang iba.

Yung araw araw ay di nagsasawang magd-date kayong dalawa. Tawa roon tawa dito. Yung kahit sa simpleng lugar mo lang siya/ikaw dalhin ay masaya na siya/ikaw at kontento na basta ba magkasama kayo at parehong masaya.

Yung kamay niya na gusto mong palagi mo nalang hawak. Yung kiliti na nararamdaman mo tuwing nagkakalapit o nagdadampi yung mga balat nyo.

Yung asaran na kung magtatampo ang isa ay agad din namang susuyuin.

Yung walang kapagurang kulitan.

Yung magdamag na tawagan. Okay lang kung lumalaki na si eyebags basta ba kausap si baby/babe.

Yung sabay kayong kumakain tapos nagsusubuan pa.

Yung kapag may mga special occasions ay di ka nawawalan ng regalo sa kanya. Particular kapag Valentines Day,  Birthday niya,  Christmas, o kaya kapag monthsary o anniversary(kung umabot man 😂) nyu.

Yung wala kayong pakialam sa sasabihin at sinasabi ng iba kasi nga inlove ka at bahala sila baka inggit lang kasi reserved kana 😂

Yung pareho nyung tinandaan ang petsa buwan at taon kung kailan naging kayo. (Pati nga siguro oras at segundo may kasama pang location ay alalang alala mo 😂)

Yung nababaliw kayo sa saya kapag magkasama. (O siguroy baliw lang talaga kau)

Yung selosan na kahit wala naman talagang nakakaselos. Yun pala magpapalambing lang. 😏

And those hugs and kisses.
Those pa smack lang at may pa intense na kung hindi lang pinigilan at tinapos agad may lead to something new. 😂😏 (Oops sorry na)😂😂

And those f*cking days that I'm still yours and you're still mine.
 
Those times that I was deeply madly inloved to you.

Hayy ang sarap lang manatili sa mga panahong iyon..

Ang sarap lang kapag araw araw Inlove.

Ang sarap kapag may minamahal ka at may nagmamahal sayo.

-------------------
👸Madam Eng-Alam👸

Madam ENG-ALAMWhere stories live. Discover now