🌼Move On🌼

27 0 0
                                    

Move on na.....
Yan kadalasan naririnig natin matapos masaktan..
Yan ang mga salitang namumutawi sa bibig ng karamihan bilang payong kaibigan.

Pero...

Madaling sabihin pero mahirap gawin..

Pano nga ba mag move on?

Pano moba makalimutan ang sakit at pighati ng iyong pagkasawi?

Pano mo ba siya makakalimutan.?

Madaming tanong kung paano...

Pero isa lang ang sigurado hindi mo siya makakalimutan..

Thats the fact. There's  no thing such forgetting unless nalang kong magka amnesia ka.

Habang buhay mong dadalhin ang mga ala ala kasama siya. That will never leave you because it was already part of your memories.

Ano nga ba ang dapat kalimutan?

Iyon ay ang feelings mo sakanya.

You will not forget the person but the feelings will do.

Pero paano?

Kung sa bawat oras siya parin ang naiisip mo.

Kung sa bawat sulok ng puso mo ay siya parin ang laman nito.

Kung sa bawat pagkakataon ay siya parin ang hanap mo.

Sabi nila Time will heal a broken heart.

Well may tama siya pero paano kapag tumagal pa at sobrang sakit na?

Step by step....

One step at a time...

Know your worth..

Hindi yung siya nalang lagi...

This time.. Isipin mo naman sarili mo..

This time magpaka selfish ka...

Total naibigay mo naman ang lahat ng makakaya mo para sa kanya subalit nasaktan ka lang kaya naman sarili mo ang iyong atupagin..

Maghanap ka ng mga mapaglibangan yung mga bagay na maaaring makapag divert ng atensyon mo.

Kapag sinabi kong mapaglibangan it doesn't mean maghanap ka ng bagong shoshotahin..

Wag ganon..

Hindi sapat ang maghanap ng panakip butas dahil hindi hamak ang maging manakip lang..

Acceptance.....

Yan ang bagay na dapat mong gawin..

Pero ang tanong paano mo nga ba tatanggapin na niloko kalang.? Na pinagpalit kalang? Na ang akala mong forever sa kanya ay di pala totoo at kathang isip molang?

Yan ang hakbang na mahirap gawin..
Ganyan kasi tayo minsan eh andyan na pinamukha na syo pero nagbubulag bulagan parin..

Oo mahirap tanggapin na wala ng kayo.. Pero atleast have a try..

Be optimistic...

At wag din magpaka bitter na pati ang ibang may lovelife ay dinadamay mo sa iyong kasawian.. Yung tipong kung sinong makikita mong masaya.. Sasabihan mo ng 'Maghihiwalay din yan. Wala kasing poreber. '

Wag ganon..

Okay lang ang umiyak..

Dahil nga kapag nasaktan tumagos sa puso lumipad sa utak bumaba sa mata may luha na.. 😂

Pero wag naman na sa bawat pag alala mo sa kanya ay tulo din ang luha.. Sobra nayan para sa iisang tao.. Umiyak kalang ng ganyan kapag patay na siya. 😂 joke

Madam ENG-ALAMWhere stories live. Discover now