Part 1

1.6K 12 3
                                    

                 Nangyari ito nung araw ng biyernes santo sa aming lugar sa probinsya ng antique. Isa akong batang nagngangalang gino. Mga otso anyos ako nun at lumaki ako sa probinsyang iyon. Namatay ang isa kong kapatid na si beth dahil sa sakit na di ko na matandaan at ayaw nang ikuwento ng mga magulang ko. Sabi kasi ng mama ko, malala na ang sakit ni ate. Kaya yun, bumigay din sya at di nagtaggal mga halos isang buwan, binawian sya ng buhay. Lungkot na lungkot ang mama ko dahil dun at ramdam ko na nag iisa na lang kami. Halos isang taon makalipas ay umuwi na kami ng probinsya dahil walang saysaybna magtagal kami ng maynila. Dahil wala na daw halaga ang magtagal pa dun.

            Mga ilang buwan pa ang lumipas ay nagulat ako dahil nag apply ang mama ko bilang isang domestic helper sa hong kong. Nalulungkot ako dahil ang kapatid ko wala na, ang papa ko ewan kung saang impyerno niya dinala ang libog nya sa kabit nya, pati ba naman si mama aalis na din pala. Ano pa ang saysay ng pagtagal ko dito.? Daig ko pa ang minalas ng sobra-sobra. Kaya nang makaalis si mama, nilulong ko ang sarili ko sa droga, alak at sugal. Madalas ay napapaway ako sa lugar namin dahil basagulero ako sa lugar namin.

             Pero isang araw,biernes santo ng hapon nun, naglalakad ako nun matapos makipag sugal sa tropa ko, nagulat ako dahil may isang babae ang nakaupo sa gilid ng daan. Dahan-dahan ay lumapit ako dito. Akmang lalapit pa ako ng biglang, unti-unting umangat ang mukha nito at halos manindig ang balahibo ko sa sindak na nakita ko. Sira ang mukha nito at di maipinta ang takot na namuo sa buong katawan ko. Grabe ang hilakbot na naranasan ko nang mga oras na yun. Akmang tatakbo ako nun, pero nahawakan nya ang braso ko at namutawi sa bibig nya ang salitang: "Wala kang kwenta ka! Putang Ina ka!" Halos napatakbo ako sa takot ng mga sandaling yun.

          Tumatakbo ako sa hingal at takot, napatingin ako sa likod ko, mabilis syang nakasunod sa likuran ko, parang lumulutang sya sa ere. Binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang makarating ako sa bahay namin, agad kong isinara ang pintuan at umakyat sa kwarto ko. Nang maisara ko ang kwarto ko ay sumilip ako sa bintana at kita ko syang nakatingin sa akin. Kahit di ko narinig ang namutawi sa bibig nya, alam ko ang sinabi nya. "Babalik ako dyan!". Halos panindigan ako ng balahibo sa takot ng mga sandaling yun. Oo, parang engkanto ang humabol sa akin.

Nang maghapunan kami ay kasama ko si lola sa hapag kainan. Habang kumakain ay napansin ko na nakatingin sa akin ang lola ko.

"May problema ba apo?"

"Wala naman po la, medyo naninibago lang ako sa lugar na ito."

"Para kasing nakakita ka ng multo."

Pagkasabi nun ng lola ko ay natakot ako at napilitan akong ikwento sa kanya ang nangyari kanina.

"Si matilda yun apo. Namatay sya dahil sa lungkot at sa pang aapi sa kanya ng mga tao dito nung panahon."

At naitanong ko kung bakit nya ako hinahabol, isa lang ang sagot ni lola na nagpatayo ng balahibo ko.

"Apo, siguro ay may gusto sayo si matilda."

Halos mailuwa ko ang kinakain ko sa sagot na iyon ni lola. Daig ko pa ang minulto nung oras na yun, ay minulto nga ako pala.

***continue on page 2***

MathildaWhere stories live. Discover now