Part 4

521 5 0
                                    

           Halos tumayo ang balahibo ko, anong nilalang ba ito? Nagtapang tapangan ako na sumagot.

           "Anong Kelangan mong hayop ka!!" Sigaw ko sa letcheng multong yun.

           "Alam mo ba gino kung gaano ako katagal nag antay na makita ka, mula nang makita kita, ninais kong maging AKIN KA!"

           Maya maya ay dahan dahang lumapit siya sa kamang hinhigaan ko. Nagtulakbong ako ng kumot. Pero kita ko ang anino nya sa kumot ko. Pesteng multo yan, bumalik ka na kung saan ka dapat pumunta.

           "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ha, gino? Nakalaan na tayo sa isa't isa? Simula nang GAWIN  ka ng mga magulang mo! Hahaha.."

           "Putang Ina mong Gago ka! Pati magulang ko dinadamay mong hayop ka! Bumalik ka sa impyernong hayop ka!"

           "Hahaha..Gino...sinayang mo ang pag ibig ko...katulad ka din nila...mga TRAYDOR!"

           Maya maya ay naramdaman kong nanahimik bigla ang paligid. Mas lalo akong natakot. Kahit di ako nagdadasal ay nag dasal ako ng Ama Namin.Habang nagdadasal ako eh may isang boses akong narinig na tila sinasabayan ako sa mga sinasabi ko.

           "Sumasalangit ka, sambahin si satanas upang kunin kita....hahahaha!!!"""

           Dahan dahang napagawi ang tingin ko sa may bandang paanan ko. Kita ko sya, Nagdadasal habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa aking mga mata.

           "Putang ina!!!!"

           Napalundag ako sa kama at sabay na tumakbo palabas ng bahay.

           "Hindi ka makakatakas sa akin gino. Akin ka lang....Akin...Hahaha!"

            Napatakbo ako sa kanto sa sobrang takot na naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Napansin ko ang ilang mga tao na nag iinuman sa may isang tindahan duon. Napasugod ako duon upang humingi ng tulong. Habang papalapit ako sa kanila eh bigla silang napatingin sa akin.

            "Uy totoy, bakit ka tumatakbo ah?." Tanong ng isang lalaking naka hubad pero may pantalon.

            "Tulungan nyo ako hinahabol ako ng multo!" Sagot ko pero ramdam ko ang nginig ng buong katawan ko.

            "Sandali ah, anong sabi mo, Multo?" Tanong ng isa nyang kasama.

            "Opo, opo andun sya sa bahay namin eh ayun oh." Turo ko nilabasan kong bahay.

            "Sandali hijo ah, huminahon ka ah. Pupunta tayo sa munisipyo para makahingi ng tulong. Kasi walang tao sa barangay nag roronda sila sa gubat." Paliwanag ng isa.

            "Bakit po?" Biruin mo naitanong ko payun.

            "Kasi may narinig silang sigaw ng babae, ay hindi pala may pumunta sa barangay kanina, may mag asawa nakarinig ng ingay duon sa may kakahuyan. Kaya ayun pinuntahan nila." Mahaba habang paliwanag ng kausap ko.

              Napatango na lang ako. Teka nga. Wala pa nga si lola ah, halos mag gagabi na eh wala pa sya. Nagtaka tuloy ako. Kinausap ko ang mga tao dun at naikwento ko wala pa lola ko.

             "Eh malapit lang naman yung palengke dito. Sa may likod lang ng simbahan. Hindi gawain ni Lucresia ang magtagal sa ganitong oras. Sige ganito hijo, pasensya na at amoy alak kami, medyo nag kainuman lang, Pupuntahan namin yung lola mo dun sa palengke baka may kausap lang yun dun ah. Maiwan ka lang dito."

MathildaWhere stories live. Discover now