Part 5

431 5 0
                                    

           Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at mabilis na bumaba. Ngunit nandun na silang lahat sa ibaba. Mukhang kukunin nila tlaga ako ng buhay. Yumuko ako upang hindi nila ako mahalata. Rinig ko ang mga galaw nila kahit di ko sila nakikita. Ramdam kong malapit lang sila.

          "Sige hanapin nyo sa taas, dito kami sa ibaba. Siguraduhin nyong huwag sasaktan, kelangan natin sya ng buhay." Utos ng isa.

           Lintik talaga, kelangang mag isip kung saan ako dadaan ng di nila ako nakikita. Bilis isip. Putcha!

          "Lumabas ka na hijo, wala ka nang lulusutan, Sumuko ka na!" Sigaw nito habang papalapit sa kinaroroonan ko.

           Ayun! Yung pinto ng kusina, diresto sa ibaba. Kelangan ko nang magmadali baka makita ako ng mga ulol.

           "Hoy!" Sigaw nya. Takte, nakita ka na ako, takbooo.....

           "Huy! Tarantado ka, Putang Ina ka pag nahuli kita yari kang animal ka!"

           Mabilis kong tinakbo ang pinto.

            "Huli ka!" Ngising sagot nito habang hawak ang braso ko.

            "Tung ina mo, mga baliw kayo!" Hatak ko sa braso ko.

            "Sumuko ka na bata, Susuwertihin ka naman eh. Ikakasal ka!"

            "Ulol! Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sumama sa mga tulad niyong mga buang!"

            "Tarantado ka ah!" sabay hatak sa braso ko.

             Isip gino. Agad kongi inipit ang kamay nung kupal.

             "Puta ka! Aray!!!!"

             Pinili kong ipitin ang kamay nya, bumitaw ka na.

               "Aruuuuuy.......!"

             Bumitaw din si gago at naisara ko ang pinto.

               "Puta ka! Humanda kang gagu ka! Babasagin ko mukha mong tang ina ka!" rinig kong sigaw nito sa pinto. Agad kong tinungo ang ibaba ng dinadaanan ko. Napahinto ako, rinig ko ang usapan nila.

                "Nasa baba yun, antayin nyu, wag nyong patatakasin!" Utos nito at narinig ko ang mga yabag nila. Dahan dahan akong lumakad paalis, narating ko ang dulo. Pero alanganin ako. Baka nasa labas na sila. May nakita akong siwang, nasilip ko na may dalawa sa labas. Yari na ko, dead end na.

                "Lalabas din yan." Sabi ng isa

                "Anong gagawin dyan pag nahuli?" usisa ng isa.

                "Ano pa edi ipalalahi dun sa immortal na si Mathilda!" Sagot nito.

                "Panu yun? Di ba kaluluwa yun?" sagot ng isa.

                "Bopols ka ba? Syempre may katawang sasapian, yun ang bubuntisin nya.  Hina mu nman!" Nabuwisit na paliwanag nya.

                "Ahh...swerte nung gago ah, gusto nyang tumakas eh ang ganda ng mangyayari sa kanya. Gago din yun." Sagot ulit ng isa.

                 Ganun pala ang gusto ng mga animal na yun, putsa, di ako papayag, baka ano pa mga planu nun. Habang nag iisip ako, narinig kong may nabasag na bagay.

                 "Anu yun?"

                 "Baka yung gago yun, tara!"

MathildaWhere stories live. Discover now