Nang Vs. Ng

1.3K 42 16
                                    

Writing Tip No. 1:  Nang Vs. Ng

~✒~✒~✒~

NANG

Kasing kahulugan ng noong, upang o para

✒ Nang (noong) isilang ka sa mundong ito.

✒ Mag-aral kang mabuti nang (upang) makatapos ka sa iyong pag-aaral.

Para pagsamahin ang 'na' at 'ang'

✒ Labis nang (na ang) panglalait ang natamo niya.

Para pagsamahin ang 'na' at 'ng'

✒ Napahamak nang (na ng) tuluyan ang kanyang anak nang (noong) ito'y kanyang iwan.

Para pagsamahin ang 'na' at 'na'

✒ Umalis ka nang (na na) hindi man lang nagsusuklay.

Para magsaad ng paraan

✒ Manalangin ka nang taimtim nang (upang) makamit mo ang iyong minimithi.

Bilang pang-angkop ng pandiwang inuulit

✒ Iyak nang iyak ang mga batang naulila dahil sa trahedya.

NG

Ginagamit kung sinusundan ng pangngalan, pang-uri o pamilang.

✒ Ang tokador ay puno ng damit.
✒ Bumusina nang malakas ang tsuper ng taksi.
✒ Nagsama siya ng sampung kawal.

Katumbas ng 'of' sa Ingles.

✒ Ang pangalan ng bata ay Yrah.

Ginagamit na pang-ari (possessive case) o pamalit sa katumbaa ng 's' sa Ingles.

✒ Ang panyo ng dalaga. (The maiden's handkerchief.)

Nagpapakilala ng tuwirang paksa o bagay na ugnayan (direct object) ng pandiwang transibo (transitive verb)

✒ Nagtitinda siya ng palay.

Gumagawa o gumaganap ng kilos, katumbas ng 'by' sa Ingles.

✒ Hinabol ng pusa ang daga.

Nang / Ng (Same usage but different meaning)

✒ Kumuha ka nang papel.
(Kumuha ka na ng papel.)
Nagbibjgay diin na dapat ngayon na.

✒ Kumuha ka ng papel.
Nag-uutos lang na kumuha ng papel.

~✒~✒~✒~

Sources:

1. Manwal ng Masinop na Pagsusulat.

2. WikaPedia

 WikaPedia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sana po makatulong!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sana po makatulong!

Eiramana325
Ignoranteng Otor

WWF Writing TipsWhere stories live. Discover now