Twenty Eight- Foundation Day [Part 1]

1.8K 28 0
                                    

Sandra's POV

"Pakasal tayo, baby." Sabi ni Adam. Kakatapos lang ng parade namin dahil Foundation Day namin ngayon. Nakakapagod ang maglakad ng maglakad.

"Bukas na lang. Napapagod pa ako e. Hindi ka ba napapagod?" I asked.

He shook his head, "Hindi e. Kasama kasi kita."

I smiled, "Ang corny mo! Bukas na lang para sure na at hindi haggard." I said and I winked on him. He chuckled and ginulo ang buhok ko.

"Aish! Not my hair, mister!" I said but he just chuckled.

"Attention!" Ms. Frittz said and we all looked at her kahit kalat kalat na kami we can clearly see her from our place. Unless you're staying in classrooms and you're at the back of the building.

"All of our booth is now open." Sigawan here, sigawan there, sigawan. everywhere dahil kanina pa nila hinhintay magbukas ang mga booths.

"Okay! 'Yung mga manghuhuli para sa jail booth ready na kayo." Naging alerto lahat ng estudyante kaya napatawa ako ng mahina, kanya kanyang takbuhan 'to malamang.

"Lahat ng nasa main building hulihin!" Ms. Frittz said kaya kanya kanyang takbuhan ang lahat ng nasa main building. Nasa kubo kasi kami. Haha! Wala e. Tambayan na namin 'to. First come, first serve kaya dapat maaga ka talaga kung ayaw mong mawalan ng pupwestuhan. Good thing dahil maagang napasok si Adam ko kaya sya ang incharge sa pagkuha ng kubo namin.

Marami ring nahuli sa main building. Tanaw namin dito 'yung mga nahuli, 'yung ibang nahuli nakaupo lang sa gilid yung iba naman nagpapapyansa sa mga kakilala nila.

"'Yung mga nasa canteen hulihin!" Kaya agad agad na nagsilabasan lahat ng nasa canteen kahit kumakain pa yung iba sakanila pero no use dahil ang daming nanghuhuli. May ilang nakakatakas pero mas marami ang nahuhuli.

Mamaya lang ay unti unting kumalat ang mga nanghuhuli malapit dito sa mga kubo kaya nagkaroon kami ng suspetsa na baka kami na ang susunod kaya agad agad kaming umalis na kubo pero wala rin dahil naharangan nila kami agad.

"Grabe! Ang sakit mong humawak!" I said kay kuyang hindi ko kakilala pero hindi nya ako pinansin.

"Kuya! Pwede mo kong hawakan sa wrist ko, 'wag lang sa kamay." I said pero tinignan nya lang ako kaya nginitian ko lang sya pero wala pa rin. -_-"

Good thing at kakapasok ko lang sa Jail booth ay nakalabas agad ako dahil nakatakas si Adam.

"Holding hands ha?" He said kaya napatingin ako sakanya. Hmmm. I smell jealousy. Haha.

"Sya humawak e."

Kumunot ang noo nya, "Gusto mo naman?" kaya binatukan ko sya.

"Para kang timang! Parang yun lang pagaawayan pa natin? Ugh! Umayos ka nga! Ikaw lang naman mahal ko." Hininaan ko yung sa 'mahal ko' dahil baka may makarinig.

"Alam ko. Sinusubukan lang kita." Sabi nya at ginulo ang buhok ko kaya napasimangot ako sakanya pero inakbayan nya lang ako. Psh!

Nagulat ako nung may pumiring sakin at nilagyan ako ng handcuff, "Ano gagawin nyo kay Cass?" Tanong ni Adam.

"Ah.. Blind date booth po." Sabi nung babae. Ugh! Blind date booth? Sino naman ang ipapadate sakin?

"Sasama ako baka mamaya kung anong gawin nyo kay Cassandra." Sabi ni Adam kaya napailing na lang ako mentally.

Dahan dahan akong pinaupo sa upuan, alangang sa mesa diba? Haha. Okay, ang korni. Inalis nung babae yung piring ko at hindi ko kilala yung kablind date ko. -_-"

ILY Baby [COMPLETE]Where stories live. Discover now