Thirty One- He Knew it

1.5K 25 0
                                    

Sandra's POV

Napagpasyahan namin magmovie marathon ngayon kanila Rhaine dahil aalis na rin ako mayamaya papuntang America. Psh!

Doon kasi kami magcecelebrate ng Christmas hanggang New years eve.

"Daddy, aalis na po ako." I said.

"Bilisan mo ang paguwi mo." Sabi nya kaya tinanguan ko na lang sya.

"Hey!" Halos mapalundag ako sa gulat nung biglang sumulpot si Adam sa tabi ko.

"Ano ba, Adam? May balak ka bang patayin ako sa gulat?" I said habang sapo ko ang dibdib ko.

"Uh. No. Sorry." He said.

"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko doon na lang tayo magkita?" I said.

"Ehh. Gusto ko makasama ka ng tayong dalawa lang. Isang linggo mahigit din kitang hindi makikita." He said.

"I'll miss you too." I said kaya nginitian nya ako at inakbayan.

Malapit na kami sa kanto nung mapatigil ako sa paglalakad. Nakatingin sya samin ng seryoso kaya lihim akong napalunok. Lumipat ang tingin nya sa kamay ni Adam na nakaakbay sakin.

"Bakit ka tumigil?" Adam asked pero hindi ko sya pinansin. Nakita ko syang napatingin sa tinitignan ko pero imbis na tanggalin nya ang pagkakaakbay sakin mas lalo nya lang hinigpitan.

"K-kuya.." I said habang nakatingin sa mata nya. Kasama nya din si Ate Lhia.

"Sino sya, Cassandra?" Tanong nya sa tonong seryoso.

Gulp.

"Ahh.. Kuya.."

"Adam Lee nga pala." Sabi ni Adam at inilahad ang kamay nya kay kuya.

"Aldrin. Brother of Cassandra. Adam? Your name sounds familiar." He said.

"Kuya, naalala mo yung sabi ko aalis ako? Tinanong mo ko kung sino yung kasama ko and I said it's Adam." I said.

"I remember that. Hmmm. Sya din ba yung Adam na sinasabi nila mommy at daddy?" He asked intently kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

"I knew it. Why are you with him? Alam na ba yan nila mommy at daddy?" He said again.

"Pupunta kami sa bahay nila Rhaine dahil magmovie marathon kami at hindi alam nila mommy at daddy na nagkakasama pa kami."

"Magagalit sila, Cassandra."

"Alam ko. Kaya nga hindi ko pinapaalam diba? Please, kuya. 'Wag mo ng sabihin kanila mom and dad."

"Are you still dating?" He asked, "Yung totoong sagot, Casdandra Mendoza."

Napakagat nalang ako sa labi ko at dahang dahang tumango. Hindi ko na kayang magsinungaling kay kuya.

"But please, Kuya Aldrin. 'Wag mo sasabihin sakanila." I said.

"Hanggang kailan ka magsisinungaling sakanila, Cassandra Mendoza?" He asked.

Gulp.

"Sasabihin ko din pero hindi ngayon. Please, kuya."

"Pero--"

"Hayaan mo na, hun. Intindihin mo muna kapatid mo." Ate Lhia said.

She looked at me, "You can go now, sweetheart. I'll talk to your kuya. But you can't hide your relationship with him forever. Malalaman at malalaman din nila yan." I nodded, "Ingat kayo."

I nodded my head again, "Ingat din, Ate." I said at umalis na sila.

Napabuntong hininga na lang ako, "Bakit mo sinabi? Baka magsumbong yun." He said.

ILY Baby [COMPLETE]Where stories live. Discover now