Chapter 27

2.8K 55 0
                                    

**Same Day**

"Pano nga pala kayo nagkakilala ng ate ko?" tanong ni Jun kay Eliot.

Nandito kaming lahat kasama na ang barkada ni Jun na tumatambay sa bahay namin.

"She works for me"

"Works for you?" naguguluhang tanong ni Jun. Di ko pa pala nasasabi sa kanya na boss ko si Eliot at lalong wala akong planong sabihin sa kanya na sa bahay niya ako nakikitira.

"Si Eliot ang may-ari ng kumpanya na pinagtratrabahuan ko." sabat ko

"Wow big time ka pala kuya Eliot" sigaw ni Macky at Gi to which Eliot just laughed.

"Teka nga, ano ba talaga ang ginagawa niyo dito?" tanong ko. Kanina pa kasi ako nacu-curious kung ano yung paguusapan nila siguro may kinalaman rin to sa pinaguusapan nila kanina ni Eli.

"Ahh wala lang." sagot ni Jun na dahilan para mapatingin ang mga kabarkada niya sa kanya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay "Di nga?" sambit ko

"Aishh..oo na. Pinaguusapan lang namin kung saan kami titira sa Maynila, di ba nag-take kaming sa UP turns out nakapasa kami ang problema nga lang ay kung dun kami magaaral wala naman kaming titirhan" frustrated na sabi ni Jun

"You guys can stay with us if uou want" offer ni Eliot na kinabigla ko

"You wouldn't mind right? baby" Oh shet!! Baby tinawag niya sa akin. Ibang level na talaga ang haba ng hair ko.

"Ayos lang" baling ko sa kanya ng nakangiti. Anong ayos lang? Anong I wouldn't mind syempre ayaw ko di kita masosolo noh. Sabog ka ba?

Napatingin sa amin bigla si Jun "Anong ibig niyong sabihin?" ay shetna malagkit. Patay di niya pwedeng malaman na nakatira kami ni Eliot sa iisang bahay. Or not.

"We live together" Eliot said in a matter of fact.

Patay.

"Ano??"

"What??"

"OMG!! ate naglilive in ba kayo ni kuya Eliot" tili ni Anj

"Oy,oy di naman kami nag-gaganun. Alam niyo na. Aughh basta nakikitira lang naman ako sa bahay niya kaya walang problema dun. Tsak wala naman kaming ginagawang masama eh, kayo ha kung ano-ano ang iniisip niyo." sabat ko sa kanila. Grabeh naman kasi silang makareact.

"So walang nangyayari alam mo na-ganun" naku diyos ko po Jun wala para malaman mo virgin pa ako pero malamang di ko sasabihin yun sayo ngayon knowing na nandito pati mga barkada mo. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya

Bumuntong hininga na lang siya pero mukhang di pa rin siya kumbimsido. At nabuhay nanaman and mode niyang protective, kahit na ako ang nakakatanda.

"Kung ayos lang sa inyo pwede naman kayong tumira sa amin, malaki naman yung bahay at maraming kwarto kaya ayos lang."

"Sige, ano guys sagot daw nin kuya Eliot yung titirhan, okay na ba?"

"Oo naman dude! Ayos wala na tayong problema" sigaw ni Macky

"Eh di masaya sama-sama pa rin ang barkada" sabi ni Eli while grinning

"To wala ka man lang bang sasabihin?" tanong ni Gi kay Elmo na ipinagkibit balikat lang nito

"Ang boring mo talaga Elmo, kailangan mong matuto makipagsocialize para may magkagusto sayo, ikaw rin kawawa tatanda kang binata niyan" saway sa kanya ni Kat.

"Psh.." Elmo mumbled. Well at least kahit papaano nagsalita na siya.

Kung iisipin nga naman kanina pa yan di nagsasalita, mapapanis na lang ang laway niyan di pa rin magsasalita.

Pero may chemistry sila ni Kat :)

Nagkwentuhan lang kami buong maghapon, paminsan minsan tinatanong nila sa akin kung anong itsura ng maynila, kung mabilis ba silang makakapag-adjust dahil mga galing nga sila sa probinsya pero sinabi ko lang sa kanila na maging positibo sila dapat sa pananaw nila sa buhay. Paminsan minsan inaasar rin nila kami ni Eliot, napailing na lang ako. Ankulit nila

Hey Sir,! Can I stay at you place  tonight?[REVISING]Where stories live. Discover now