♫♪ Chapter 2 ♫♪

20.1K 404 32
                                    


SHOHEI


Katatapos lang ng misa. Naglalakad na kami palabas ng simbahan. Ang daldal ng mga mommy namin ni Winter. No wonder why they are friends.

"Do you know any restaurants na hindi pa natin nasusubukan?" tanong ni mommy.

"Yes, early lunch tayo," segunda naman ng mommy ni Winter.

Nagkibit-balikat lang ang mga dad namin. Kahit naman kasi magmungkahi sila ay alam kong mawawalan lang ng silbi, sa bandang huli ay ang asawa pa rin nila ang masusunod.

May nabanggit na isang restaurant ang mommy ni Winter na agad namang sinang-ayunan ng lahat. We didn't bother to offer opinions and/or any suggestions. Besides, I want this to be over and done with, the soonest possible time.

Sumakay na kami sa kanya-kanyang kotse at nagtungo na papunta roon.

♫♪♫♪♫♪

Saglit na biyahe lang at heto na kami sa restaurant, nakaupo at kumakain,

"Nakakatuwa siguro magkaroon ng anak na babae, ano?" Sinserong sabi ni mommy habang nakatitig sa babaeng kaharap ko ngayon at mahinhing kumakain.

"Nakakatuwa," her mom agreed. "Laging may maglalambing sa'yo. Ang problema nga lang dito kay Winter," lumapit siya kay mommy at kunwaring bumulong, "napaka-introvert." tumawa ang magkaibigan. Winter lowers her head, looking uncomf'table and elbowed her mom. "Madalas siyang nagkukulong sa kwarto para magbasa," her mom even added, disregarding her discomfort.

Well, reading makes people an introvert.

"Paano ka maliligawan niyan, or magkakaroon ng kaibigan kung madalas ka lang nasa kwarto mo at mag-isa?" usisa ni mommy.

"M-may kaibigan naman po ako eh," nahihiya niyang tugon. "Pinapunta ko naman po siya sa bahay."

"Kahit na, kailangan mo rin ng sikat ng araw," naiiling niyang sambit ngunit agad na umaliwalas ang kanyang mukha na para bang may naisip na ideya. "Why don't you spend time with Shohei? Samahan mo tuwing umaga o kaya gabi sa pagpapasyal ng aso niya."

Kapwa kami nasamid ni Winter. No. Way. Mother. Bukod sa naiinis ako sa kanya ay alam kong takot pa siya sa aso ko. Baka pag-tripan pa ang tsinelas niya ulit.

So, no way, mom. No way.

"Ahh, hindi na po tita," nahihiyang tanggi ni Winter.

"Ito naman. Nahihiya ka kay Shohei, ano?" Panghuhuli ng mommy niya sa kanya. This time ay ang asawa na niya ang siniko siya't pinandilatan ngunit tinawanan lamang niya 'to. "Masaya sana kung ang dalawang 'to ang magkatuluyan 'diba, Jenny."

Masayang sumang-ayon ang magkaibigan. Samantala'y pinagmasdan ko ang reaksyon ng babaeng nasa harapan ko. Her hands are shivering and her cheeks are now crimson red. Napansin ko 'yon kahit nakayuko siya. Napansin ko rin na nahinto na siya sa pagkain.

"Just eat, okay." Gulat naman siyang napatingin sa'kin. "Don't mind them." Marahan siyang tumango at sumunod na lamang.

God, why do I hate her reaction? Ayaw ba niya na kaming dalawa ang magkatuluyan?

♫♪♫♪♫♪

WINTER

Kinabukasan.

Vacant day. Nakapangalumbaba akong nagbabasa ng isang English novel sa kama na pinamagatang Divorce, Desperate and Delicious by Christie Craig. Romance, comedy, action na may pagka-suspense ang kwento. It became my most favorite genre. Kaya simula nang mabasa ko ang isa sa mga nobela ni Christie ay hindi na 'ko huminto sa pagbabasa ng mga akda niya. Kahit paulit-ulit pa.

Claiming my RewardWhere stories live. Discover now