One Shot--BUS..

3K 56 1
                                    


A/N: Hello po, sana basahin niyo to. Pampalipas ko lang po pag sabaw na sabaw akong magsulat para sa AGHAIP. Ahihihi.. ^_^ 'Di po to totoong story, pumapasok lang po to sa kukute ko. HAHAHA! Sana magustuhan niyo, maki-comment, maki-vote at maki-fan narin kayo. Pero bahala na kayo, 'di ko kayo pinipilit. HAHAHHA!

┣▇▇▇═────────────────────────────

Hi, ako pala si Raine De La Cruz. As in ulan. HAHA! Magiging 2nd Year College na po ako sa pasukan. 18 years old. Nakatira sa tabi-tabi. Dejokelang.. (corny ba? Waa. Ako na. HAHAHA!) Ano ba 'to? Slambook? HAHA! Ah baket ba andito ko?

(Tange! Dahil sa Love Story mo. HAHA!) 

Ah, ganun ba? Oh well. Bakasayon na ngayon, in short Summer na! Pero 'di ko makikita si Miggy. Waaaa. Miss na miss ko na siya. Siya nga pala, siya yung boypren ko. Ano na kaya yung ginagawa niya dun? Hayys.

Isa po akong probinsyana, andito ako sa terminal ng bus sa bayan ngayon. Papauwi na, 5:30 na kasi. Baka gabihin pa ako sa daan..  Andaming tao ngayon, waaa! Baka maunahan pa ako..

"HALAAAAAAAAA! Ayan na ang bus.." Sabi ng mama..

At yun, nagsipagtakbuhan ang mga tao. Ang malas ko lang puno na. 'Di bale, in 5 min. andito na daw ang isa pang bus. Sana airconditioned. Charotness. HAHA! Umupo muna ako sa waiting area.. May isang lalakeng nakuha ang atansyon ko. Umupo siya.. Sa tabi ko. Asa! HAHA, sa may dulo ng row ng kinauupuan ko..

Ang gwapo, cute, maamo ang mukha, may-swag, mukhang mabait at ewan ko. HAHA! Ba't ba ganito ang pinagsasabi ko. Ugh! Loyal ata 'to, Miggy kung nasaan kaman, sorry, nadumihan ang innocent eyes ko. Dapat sayo lang to eh. HAHAHA! Ewan ko na nga, may something sa kanya eh, crush ko ata? Waaaaa! Crush is paghanga. Wahehehehe. >////<

Ohmigah! Ayan na ang isang bus, as usual andaming tao namang nakipag-unahan. Mabuti na lang at kokonti lang ang mga tao. Tumakbo ako, yumuko na ako kasi tinitingnan ko yung dinadaanan ko, nakakahiya naman pag natapilok ako. HAHA!

"ARAAAAY!" ako.. Lintek naman oh. Ang chakeet chakeet ng ulo ko. Kasi 'tong walang modo na lalake ko umatras. Shete!

"Ay, sorry miss 'di ko sinasadya.. Ok ka lang?" Sabi nga lalake.. Nyemas! DESTINY ba 'to? Putek! Si Mr. Charming lang naman..

"O-okay lang." Ako..

Ayun, nasa  likod niya lang ako at tiningnan ko kung may bakante pang upuan. Buti pa siya, nakakita ng upuan.  No choice, standing ovation ako ngayon rito. Ugh, ansama lang kase nakatayo ako ngayon sa tabi ni Mr. Charming, pag umalik ako baka isipin niya na iniiwas niya ako. Waaaa! Nakakahiya! Umandar na ang bus. Shete, nagulat naman ako dun, kaya nawalan ako ng balance. Shete! Ba't di ako natumba. Hala! Yung.. yung.. ka-kamay ko. Yung kamay ko! Waaaaaa! Hawak niya! Putek! May kuryente. Waaaa!

"Miss? Ikaw na lang ang umupo rito. May kasalanan pa naman ako sayo kanina. ^_^" Sabi ng lalake.. Waaaaa! Ang ganda ng boses niya. Tsaka naka-smile pa siya..

"Ah.. eh.. o-okay.." Ako.. Umupo na ako..

Siya naman yung nakatayo. Yung kamay niya naka-akbay.. Naka-akbay sa upuan.. KO! MUAHAHAHHA! Parang ako lang yung inaakbayan niya. Ahihihi. ="> Masama bang mangarap. Mahal ko Miggy, pwede ba ngayon lang? Ngayon lang ako magkaganito. Please? HAHHAHA! Parang sira lang.

Yung matandang babae na katabi ko mabuti na lang at nasa susunod na bayan siya bababa. Eto na, tumatayo na siya, naglakad at bumaba. Umusog ako sa inuupuan ng matandang babae. Yung parang in-offer ko na yung seat niya ulit. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin na pala siya sakin. Wahihihi. Binigyan ko siya ng, umupo-ka-na-jan look. Pero binalewala niya lang ako. Aba, tinitestingan ako ng mokong na to ah..

Binabaan ko lang medyo yung boses ko, pina-cold at walang emotions. "Hoy lalake. Salamat sa upuan ha. Eto na ang upuan mo. Wala na ang matanda. Kitang-kita naman na bakante oh. Ano ka? Magpapaka-super hero ka jan na tumatayo. Tungelks ka rin pala.. Upo na jan. Kundi tatadyakan kita." Ako.. Full of sarcsm. HAHAHA!

Umupo naman siya, nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko mga 3 inches away, tapos pumunta siya sa may tenga ko at sinabi na..

"Hoy miss, wag na wag mo kong tinatakot. Walang anu man sa upuan na 'to. Umupo lang ako dahil nahihiya ako sa ginagawa mo. Sobra ka pa sa isang girlfriend." Sabi niya. Wahihihi! Ang cute kahit medyo naiinis na. HAHHA!

"Ah sorry, pinapakonsensya mo kasi ako. Bahala ka nga nga jan.." Ako. Sabay tingin sa bintana..


Nakita ko ang reflection niya sa bintana.. parang may sasabihin na ewan.. At di nga ako nagkamali..

"Uhhm miss, Kent pala." Sabi ni Kent daw..


Tumingin ako sa kanya at sinabi.. "Ah, Raine." Nakita kong naka-abot ang kamay niya, baka makipagshake hands. Oh well. Nakipag shake hands ako, iba yung shake hands ko. Explain ko ha, inabot ko yung kamay ko(yung normal shake hands lang, pero 'di nagsheshake) pagkatapos nag change position ako na parang mag-aawayan, yung unang patumbahan ng kamay/braso na nakatukod yung siko, tapos na knuckle touch. HAHA! Anhirap i-explain. Luls!

"Para kang lalake pag gumaganyan ka. Baka wala ng manligaw sayo. Muahaha!" Kent..

"Heh! May boyfriend na ako.." Ako.. Tas bigla siya yumuko. Gah! What iz the meaning of diz?

"HAHAHA! Malas yun. By the way, san ka pala uuwi?" Kent..



"Sa bayan kung san papunta to. Ikaw?" Ako..

"Ah, sa Toboso eh. Nasan na ba tayo?" Kent..

"Tange, nalagpasan mo na. HAHAHA!" Ako..


Nakatingin lang siya sakin. "Oh ano? 'Di ka pa ba bababa?" Ako..


"Mas gumaganda ka kasi pag ngumingiti. HAHAHA! 'Di na, sa bayan niyo na lang. May bus pa siguro. Tsaka tingnan mo, gabi na oh. Baka kung mapano ka pa dun, hatid na lang kita sa inyo." Kent.. Wahiii! Answeet niya..

"Heh! Kaya ko na ang sarili ko. Baka sila pa dapat ang matakot sakin. HAHAHA!" Ako.. Pakipot.com? HAHA

"Ayieee, sige na please? Ano nga pala # mo? Eto yung akin o, pakicopy na lang." Kent.. Aba!

"Eto.." Ako..

After 64,328 years na pagpapalitan ng #. Choss. HAHA!

"Uy! Salamat ha. Pinasaya mo ako ng ganito. Kahit na lungkot na lungkot ako. Salamat ^_^" Ako.. Hala! Nasabi ko yan? Eeeeee!

"Wala yun! Pareho nga tayo eh. Wala pang babae na nakapasaya sakin ng ganito." Kent.. Waaaaaaaaa!

"Ako rin! Kahit boypren ko. HAHA! Bestfriends na tayo ha?" Ako..

"Sige ba! Kasangga mo ako hanggang sa huli. Ano pala yung tawagan natin?" Kent..

"TOL! Wahihihi ^_^" Ako..

"Hahahaha! Sige na nga. Oh andito na tayo sa bayan." Kent..

"Sige, bye." Ako..

"Anong bye?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara, sama na tayo. Sabi ko ihahatid pa kita eh." Kent..

"Sabi ko nga eh." Ako..

At yun, bumaba na kami ng bus hinatid niya ako sa bahay at umuwi na rin siya..

┣▇▇▇═────────────────────────────

Wahihihi! Pampalipas oras lang po to.

Salamat sa pagbasa! ^_________^V

God bless! :D

 ║█║▌║█║▌│║▌█║▌║
All Rights Reserved © 2012
Copying from this book is strictly prohibited,
and the right of performance is not transferrable. 

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now