Oneshot--Martyr..

796 7 1
  • Dedicated to GDlr
                                    

Nung makita ko siyang naka-upong mag-isa sa canteen, agad ko siyang nilapitan. Umupo ako sa harap niya. "Pare, ikaw si Miggy diba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo pare." Sabi niya sabay ngiti. Aba! Akala mo kung sinong good boy. Psh. =__=

"Alam mo bang ako yung Ex ni Raine? Kent pala, PARE." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko upang makipagkamayan.

Naramdaman ko namang nag-stiif siya pero nakapagkamay pa rin siya sakin at ngumiti.

Nagflash back naman sakin ang nagyari nung gabing yun.

Nagulat ako nung nanguna siyang nag-chat sakin. Kadalasan kase, ako yung umuuna. "Ayoko na. Hindi ko na kaya." Sabi niya sa chat.

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Wag kang ganyan." Reply ko sa kanya.

"Break na tayo. Please. Natatakot akong malaman ng mga magulang ko ang tungkol satin. Muntikan na yung kanina at takot na takot ako." Reply niya sakin.

Hinding hindi ko inaasahang ganun lang siya daling sumuko. Ng dahil lang dun?

Ngumiti ako ng tipid kay Miggy. "Kayo na diba?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Mahal na mahal ko pa rin siya, hanggang ngayon." Ngumiti ako ng mapait habang inaalala ang mga masasayang alaala naming dalawa.

Second Monthsary namin ngayon. At may plano akong surpresahin siya ngayong gabi. May event kasi dito sa school at naririto rin siya. Nandito ako ngayon sa classroom nila at pinaghahandaan namin ng mga kaibigan niya ang surpresa ko.

May mga post-it notes akong nilagay sa chalkboard. Mga katangiang minahal ko sa kanya, mga pick-up lines at iba pa. May mga petals ng rosas na nakakalat sa paligid at pathway papunta sa gitna.

Inaayos ko ang mga bulaklak sa bouqet na ibibigay ko sa kanya. Ng biglang, "Kent! Andyan na si Rayne!" Sigaw na pabulong ng isa niyang kaibigan.

Dali dali naman akong tumayo ng maayos. Nagsiilawan ang mga ilaw nung pumasok siya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkamangha. Napangiti naman ako dahil dun. Dahan dahan niya namang tinatahak ang pathway na sinasabayan ng tugtog na Because I Love You by Yiruma.

Nung makarating siya sa gitna. Humina ang tugtog at nilahad ko ang mga bulaklak sa kanya. Tinanggap niya naman ito buong puso. "Happy Second." Sabay naming sinabi kaya napatawa naman kami ng mahina. "I love you." Sabay na naman naming sinabi kaya napatawa na naman kami muli.

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mga bulaklak. "Laking pasalamat ko kay God dahil binigay ka niya sakin." Sabi ko sabay luhod. "Maraming salamat sa bawat araw na pagpapangiti sakin. Hindi ko man maipapangakong maging perfect boyfriend, pero mamahalin naman kita ng tunay. Basta, maraming salamat sa lahat. Walang sukuan ha. Hinding hindi ako magsasawang mahalin ka, Raine." Agad niya naman akong pinatayo at hinagkan ng mahigpit.

"Pero kahit ganun. Hindi ko na siya aagawin pa sayo." Sabi ko. "Basta aalagaan mo siya ng mabuti ha, wag na wag mo siyang lolokohin, at mahalin mo siya ng buo." Sabi ko pa.

Tiningnan lang niya ako. "Pasensya ka na kung na-oofend kita sa mga sinasabi ko sayo. Siguro nga, sadyang mahal ko lang talaga siya. Hahaha!" Tumawa ako kahit peke, kahit labag sa loob ko. "Oh, ayan na pala siya eh." Sabi ko habang papalapit si Raine samin.

Tiningnan lang ako ng masama ni Raine pero ngumisi lang at at tinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Tara na." Sabi ni Raine kay Miggy sabay hawak sa kamay nito.

"Salamat, pare." Sabi ni Miggy sabay tapik sa balikat ko at lumampas na sila sakin.

Tiningnan ko naman sila sa likod at nakaramdam ako ng kirot habang nakikita silang masayang nag-uusap, naka-akbay siya kay Raine at si Raine naman ay nakahawak ang kamay sa bewang ni Miggy.

Ang sakit habang nakikita ko silang ganyan, sana ako pa rin ang nasa pwesto ni Miggy.

Pero ano? Heto ako ngayon. Martyr pa rin dahil sa pagmamahal ko kay Raine. Hindi naman kase ganun kadaling mag-move on eh, pero sana.. Balang araw, masasabi ko na rin sa sarili ko na, "Tagumpay! Nakamove on na ako.". TIWALA LANG!

┣▇▇▇═────────────────────────────

A/N: Waaaaah! Another oneshot. Trololo~

Ginawa ko 'to para sa prend ko na itago na natin sa pangalang G. XD Mehehe~ Parts! Peace ta! ^o^v XD

COMMENT and VOTE if you think I deserve it..

  ║█║▌║█║▌│║▌█║▌║

All Rights Reserved © 2012

Copying from this book is strictly prohibited,

and the right of performance is not transferrable.   

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now