Chapter 4: First Kiss

9.7K 224 4
                                    

Epal Note: Dedicated po kay Mhey22 kasi kinilig po sya dun sa chapter 3, so eto pa yung kilig moment nu Ian at Elaine hope you like it! :D

Married To A Stranger by MyrrhRamirez

Chapter 4:

Ian Tofer’s POV:

Nakarating na kami sa bar. Syempre kailangan na muna naming na magpalit ng damit bago pumasok dun at sisimulan ko ang plano ko.

“Magbihis ka na muna, hihintayin ka naming dito..” masungit kong sabi sa kanya.

Kahit kailan ang sarap asarin ng babae to!! Sa kanya palang buo na yung araw ko.

"Ayokong magbihis!!" sabay crossarm nya.

"Magbibihis ka ba o sasama ka samin magbihis?" agad naman syang pumasok sa loob. Hehehehe takot pala to ehh..

Napangiti na lang yung dalawa sa ginawa kaya agad naman kaming nagtungo sa restroom para magbihis din, hindi kasi kami papasukin kung nakasuot pa kami ng school uniform siguradong haharangin kami ng bouncer.

"Pre sigurado ka ba sa plano mo?" tanong ni Van sakin.

"Ano bang kinakatakot mo Van, wala namang mangyayaring masama kay Elaine, gagamitin ko lang sya para layuan na ako ni Mindy..."

"Ahh si Ms. Gold Digger? Tsk, tsk,tsk buti pa nga Ian, tsaka diba malapit na yung kasal nyo?" minsan ang gulo din nitong kausap ni Regie eh..Anong konek ng sinabi nya? Hay ewan..Pero paano nila nalaman.

"Sandali? Paano nyo nalaman na si Elaine yung fiancee ko?"

"Ano ka ba naman pre, obious ba? Binalita lang naman ng Mama mo samin at isa rin sa aming dalawa ni Van ang pipiliin na bestman mo.." pagpapaliwanag ni Regie.

Grabe talaga tong si Mama, hay bahala na nga!

Elaine Roselle's POV:


Nakakainis! Nakakainis! Ang tanga ko kasi eh, bakit pa kasi ako pumayag. Ayan tuloy!

"AGRRRHHH!!" buti na lang at ako lang ang tao dito sa restroom, maliban sa kin. Kaya walang makakarinig pag sumigaw ako.

"Hoy bilisan mo dyan! Pag hindi mo binilisan papasukin kita sa loob!!" ayan na yung sigaw nya..

Susuotin ko ba o hindi? *kamot sa ulo* Bahala na nga, tapusin ko na lang ito, pinasok ko to ehh.

"AH SANDALI NGA NAGBIBIHIS PA EH!!" dali dali ko namang sinuot yung damit kahit labag pa yan sa loob ko, pagkatapos lumabas na ako.

Paglabas ko grabe yung tingin ng tatlo sa kin parang ganito -- O_O

Married To A Stranger [CGS #1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora