Chapter 22: She Cries Again?

5.7K 136 4
                                    

Married To A Stranger by MyrrhRamirez

Chapter 22:

Nagpaalam na ako kay Kim para makauwi na sa real house ko. Haharapin ko na yung bulldog dun sa bahay na yun (chos ang drama ko) . Ayoko naman na lagi akong nakatago, at nakakapagod maglaro ng hide and seek.

Umuwi na muna ako ng bahay para makapagpalit ng damit. Friday kasi ngayon eh kaya pwedeng mag civilian.Bigla namang tumambad sa harapan ko si Ia- Bulldog...

"Excuse me..." at dahil sa tinuruan ako ng magulang ko ng good manners ayan nagamit ko rin.

Sa kabastusan ng lalaking to eh hinarangan ako, ano na naman kaya ang problema nito?

"Bakit mo ginawa yun?" napakunot naman ako ng noo, ano na naman kaya ang problema nito?

"Ginawa ang alin?"

"You slap her face!"

"Sinong sinampal ko?"

"Wag ka ngang mag maangmaangan dyan sinampal mo si Kathleen!"

"H-Hindi ko sya sinampal, at kailan ko naman sya sinampal?"

"Yesterday, nakita ko yung pasa dun sa mukha nya.."

"WHAT?! I SLAP HER?! OH COMMON GIMME A BREAK IAN!!" nagulat ako ng hawakan nyang madiin yung pulso ko at kulang na lang eh pumutok na yung ugat nya sa mukha nya.

"SA SUNOD NA GINAWA MO ULI HINDI LANG ITO ANG MATITIKMAN MO!" grabe natatakot na ako sa kanya pero hindi ito yung tamang oras para matakot sa taong to, wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya tapos bibintangan nya ako. Ano to JOKE?

"OK FINE! MANIWALA KA SA KANYA PERO ISA LANG ANG MASASABI KO I.DIDIN'T.SLAP.HER!!" at sa inis ko tinulak ko sya, nakakainis eh ikaw kaya pagbintangan?

Nakakainis naman o! Bad trip na nga kahapon, bad trip pa rin ngayon! Tapos yung Kath- Chihuahua na yun argh! Ngayon pati yung babaeng yun eh! O di ba bagay sila! Bulldog and Chihuahua tandeem..

Dapat nga maniwala sya sakin eh, ako yung asawa nya pero- OH I ALMOST FORGOT! Hindi ko nga pala asawa yung isang yun were fake remember?

Ayaw ko sanang pumasok pero kailangan eh kasi nga dun sa singing contest di ba? Kaya nag ayos na ako ng sarili ko para pumasok sa school. Pagkarating ko naman ng school eh bumungad naman sakin si Ms. Eduardo.

"Ms.Eleazar, buti nandayn ka na halika na..." at sumunod naman ako sa kanya.

"Ahm Ma'am may klase pa po ako pwede po bang mamaya na lang yung practice?"

"Don't worry excuse ka na sa lahat ng klase mo ok so no worries.." at nagnod na lang ako sa kanya at sinasabayan pa rin sya sa paglalakad.

"By the way may naisip ka na bang kakanyahin mo para sa contest.." ay oo nga pala noh! Ano palang kakantahin ko?

"Ahm..Where do broken hearts go."

"Talaga.."

"O-Opo..Bakit may problema po ba?"

"Wala favorite ko lang kasi si Whitney Houston at favorite ko yang kakantahin mo.." 

Bigla ko nga lang naisip yun eh? Narinig ko kasi nung isang araw na kinakanta ni Elica to. Ewan bakit ito yung naisip ko. Tsaka bagay rin naman sakin yung kanta eh, wher do broken heart go talaga.

Married To A Stranger [CGS #1]Where stories live. Discover now