Chapter 26

35 0 2
                                    

Laica's POV
"Ano sa tingin mo? Bagay ba?" tanong nya habang may hawak na relo

Nandito kami sa isang mall malapit sa campus, gusto nya kasi ng may kasama mag-shopping. O sige, sya na mayaman. -_-

"Bagay naman lahat sayo."

"Sure? O sige eto nalang. Pumili ka na rin kung anong gusto mo."

Ang yaman talaga ng lalaking toh. Huhu, nakakahiya yung baon kong 20 pesos lang. T^T

"Ay wag na. Lah akong pera."

"Pumili ka na. Ako yung babayad."

"Wag naaa! Nakakahiya.."

Kumuha sya ng pangbabae na relo tas sinukat nya yun sa wrist ko.

"Sabing wag na eh." sabi ko

"Wag ng pahumble. Alam kong gusto mo to. Kanina mo pa to tinitingnan kanina."

Ay, halata ba?

"Sabing wag na. Baka sabihin ng iba pera lang habol ko sayo."

"Sabihin nila yan eh alam naman nating dalawa na di yan totoo."

"Ah basta! Okay lang talaga tsaka wag ka ngang gastos ng gastos! Jusko kung ako ikaw iipunin ko yan." lul, para akong nanay XD

"Wala din namang gamit kung iipunin ko. Nu yon? Mag-iipon ako tas san ko naman ipanggagastos yang iipunin ko?"

"Sa future mo. XD" lul, alam naman nating lahat may pera pa rin para sa pyutur ng maputing lalaki nato. =3=

"Sige na suotin mo na yan. Kung hindi mo susuotin magtatampo ako! > 3 <" tas nagpapadyak sya na parang bata. Lul, para syang tanga. AHAHAHAHA!

"Magtampo ka dyan. Paki ko?" pang-aasar ko habang nakangiti

"May paki ka kasi boyfriend mo ko." sabi nya ng malakas. Napatingin tuloy yung ibang tao samin. Kinurot ko nga.

"ARAY!"

Puta, bat ba ang lakas ng boses ng lalaking to ngayon?!

"Tumahimik ka nga! Ako yung mas napapahiya eh!" bulong ko sa kanya. Ngumisi lang sya. Lord, ang gwapo nyaaaaa T ^ T

"Tanggapin mo muna tong relo." sabi nya

"Yoko." tas nag-cross arms ako

"Kung di mo to tatanggapin IIYAK ako." pananakot nya

"HAH! Umiyak ka dyan, paki k-- O SIGE NA! SIGE NA! TATANGGAPIN KO NA! Bwiset. -- ___ --"

Alam nyo anong ginawa? Iiyak na sana buti nalang napigilan ko. Please lang! Please lang, wag nyong paiyakin tong lalaking to. Nakakahiya. = __ =

"Hehe. \^ O ^/" sabi nya habang papalabas na kami dun sa shop na yun.

"Hehe. = ___ =" pangongopya ko. Ewan kung sino talaga yung babae samin.

"San mo gusto pumunta?" tanong nya habang hawak ang kamay ko. Ahue~

Kung may nagtataka bakit gumagala kami, dismissal na namin tsaka inaya ako ni Nodz na gumala. Alam nyo yung dahilan nya? Ayaw nyang maunahan kay Dave. = ___ =

"Ikaw bahala." sagot ko

"Upo muna tayo. Napagod ako."

Waw, so sya pa yung napagod? Eh halos sya yung padyak ng padyak at reklamo ng reklamo at ako tong palaging nagpapakalma sa kanya. WAW. = ___ =

Umupo kami sa malapit na upuan tas umalis sya para bilhan kaming dalawa ng maiinom. Buti nga hindi ako yung inutusan. XD

Bumalik sya after ng ilang minutes na may dalang ice cream.

"Oh." tas binigay nya yung chocolate flavor sa akin. Waa~ * Q *

Ancharaaaaap~

Subo lang ako ng subo kahit may sinasabi sya. Charap kaya ng ayskrim. Pero mas masarap si Nodz. JOKEEEE! XD

"... nga pala. Gusto kang makilala ni Mama." sabi nya bigla

"Aachkk! ARAAAAAAAAY!" nakakainis tong pangingilo na to! Huhu ang sakit sa ngipin. Nakagat ko kasi bigla yung ice cream nung sinabi nya yun.

"Hala!" tas hinarap nya ako sa kanya tas minasahe nya yung pisngi ko na nandun yung ngipin part.

Hinampas ko nga sya.

"ARAY!" tas minasahe nya yung braso nya.

"Wag ka kasing padalos dalos ng sasabihin!" tas pinahid ko ng tissue yung labi ko.

"Eh gusto ka naman talaga makita ni Mama eh!" sabi nya

So totoo talaga? Gusto akong makita ng mama nya?

"Gusto akong makita ng mama mo?" paninigurado ko. Ay tanga, sinabi na nga kanina eh. Teka, sino ba kausap ng sarili kooooo T ___ T

"Yup, palagi kasi nya akong nakikitang ngumiti. At sino pa nga ba dahilan kung bakit ako ngingiti eh ikaw lang naman." sabi nya na parang wala lang

Kinilig ba kayo dun? Pwes kung hindi edi kinilig ako!

"Tapos?" tas palihim akong ngumiti. Ahue~

"So ayun, sabi nya may girlfriend na ba ako tas sabi ko oo."

Hinampas ko sya ulit.

"ARAY! Ano na naman?!"

"Bakit mo sinabing oo?! Sinagot na ba kita?!" sabi ko

"Sabihin nalang natin na sinagot mo nako. Tsaka kahit ligawan kita sasagutin mo pa rin ako! Tsaka nakakapagod manligaw."

Sumimangot ako. Napaka talaga netong lalaking to!

"Kaya ayun, gusto ka nyang makita." tumingin sya saken.

"Okay lang ba?" tanong nya

"Anong okay lang?" anong okay lang pinagsasabi nya?

"Okay lang ba kung makipagkita ka sa nanay ko?"

Napatahimik ako ng ilang sandali. Nag-iisip siguro.

"Kasali ba Papa mo? Makikipagkita din ba ako sa papa mo?" Teka, wala pa nga pero bakit kinakabahan na ako?

"Siguro, di ko alam." tas hinawakan nya yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Papayag ka diba? Diba? Dibaaaa?" tas nag-aegyo sya.

Nakatingin lang ako sakanya. Nag-iisip. After ilang minutes, nagbuntong-hininga ako.

"Fine."

Napalaki yung mata nya.

"Fine? As in oo? As in papayag ka? As in papayag kang makipagkita sa mama ko? As in--"

"OO! OO! Payag ako." tas nag-pout ako

Ngumiti sya ng malaki tas niyakap ako. NG MAHIGPIT.

"Yeeeey! Payag ka na ha! Walang bawian!"

"Oo na." napangiti nalang din ako. Tiningnan ko sya na nakatingin din saken na nakangiti.

"Bakit nga ba mahal kita?" tanong nya saken habang nakangiti.

"Lul, corny mo." pagdedeny ko sa tanong nya.

"Ayiieee, kinikilig na sya nyan." pang aasar nya

"Psh, halika na nga. Uuwi na ako." binuhat ko yung bag ko at tumayo sa pagkakaupo

"Hatid na kita." kinuha nya yung bag ko at hinawakan ang kamay ko.

I-deny ko man o hindi, alam kong napapatanong ko rin sa sarili ko kung bakit mahal ko sya. Sana nga lang maging okay ang pakikipagkita ko sa mama nya. Pero bakit ako kinakabahan?

***
YEY! Wala ng nagbabasa neto. T ___ T May plano pa ako na i-delete to pero since nasimulan ko na tsaka malayo-layo na rin ang narating ng librong to, XD, tatapusin ko nalang kahit walang nagbabasa. Tsaka every author writes not because they want to impress but to express right? :) Kaya kung nagbabasa ka man neto, JEONGMAL KAMSAHAMNIDA! //bows 90 degrees//

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best Students, Best CouplesWhere stories live. Discover now