Crush Life - Chapter 5

62 5 3
                                    

Oh diba agad-agad? HAHA comment and vote nga. :D

Enjoy :)

-------

Chapter 5

[Jane's POV]

TGIS =____= haha, hindi mo alam ano 'yan? Sige na nga, pagbibigyan kita dahil sa likas na mabait ako at mapagbigay, TGIS, it means 'Thanks God, it's Saturday' sige tawa. -__- Kasi may TGIF, gagawan ko rin kasi likas ako na manggagawa. 

Andito kami sa bahay namin ng pamilya ko ngayon, hindi ko pwedeng sabihin na bahay ko ito kasi hindi ako gumastos dito, parents ko kaya. Kaya bawal angkinin. Diba sinabi ko na 'kami', oo kami ni Julia andito sa bahay, tutulungan niya ako sa campaign materials. Ewan ko ba kung bakit kailangan e, makikinig nalang tayo kay Julia. Sinabi niya rin sa akin na hindi siya tutuloy sa takbo niya as President of the Student Council kasi gusto niyang maglakad. Tss, joke lang. Pero seryoso, hindi tumuloy si Julia kasi daw, gusto niya akong manalo, ewan ko nga e, wala akong alam diyan, mas may alam pa nga siya sa akin. Kasi daw noon, naranasan niya na daw ito. At ngayon daw gusto niya ako na naman yung makaranas nito.

"Sissy," nandito kami sa sala 'namin' ngayon na naka-indian seat. Ay si Julia lang pala kasi ako sitting like a princess frog. Dejokelang. Nasa sahig rin ako nakaupo, yung tipong, yung dalawang legs ko ay nakabukaka. Sitting like a princess frog tawag ko dun. E sa sosyal ako. Hmmpfff. "ang una nating gagawin ay, magpi-print tayo ng mga mukha mo" pagpatuloy niya. 

"Juls, alam mo, masisira printer namin niyan kasi nagagandahan siya sa akin masyado, hindi niya keri" umirap nalang siya at tumayo na. Hala, nagalit siya kasi ang ganda ganda ko raw. Hala kayo, e sa honest ako at ginawa ako ni author na ganito yung attitude at mukha diba? Diba author? (A/N: Oo na, 'wag ka na maingay ang daming lamok dito, kinakagat na nila ako dahil sa biro mo) Kahit si author hindi kampi sa akin :c Nakakaawa naman ako. 

Nakita ko naman si Julia kasi may mata ako, na kumukuha ng isang pack ng short bond paper. Tumayo na rin ako kasi baka seryoso itong babaeng ito. Kapag siya seryoso, seryoso talaga siya. Alangan namang seryoso siya na nagbibiro. What a damn freaking joke. 

Naglalakad na siya na hindi tumitingin sa akin. Pero bigla siyang tumigil. Hinarap niya ako kasi kanina nakatalikod siya sa akin.

"A-ah J-jane, sa'n kwarto mo?" sabi niya na may halong awkward na ngiti.

"'Yan, tampo-tampo tapos hindi naman pala alam ang gagawin. Sus, dito" Sabi ko sabay akyat sa taas, sumunod naman siya. HAHA nakakaloka, hahaha (in Kris Aquino's tune of laugh) 

"Sorry naman" bigla niyang salita after ko'ng magsalita.

Pinihit ko na yung door knob at pumasok na sa loob, ako lang yung walang bitbit, si Julia meron. May isang pack ng bond paper at yung cellphone niya. Umupo naman kami agad sa kama ko at humiga na ako. 

"HOY!" sigaw ni Julia, may kasabay pang tulak sa akin na siyang dahilan sa pagkaghulog ko sa kama.

"Babae ka ba talaga, Juls? Ang lakas mo grabe"

"Tss, at alam mo namang hindi ako tumuloy at ikaw yung tatakbo as president kaya ikaw gumawa nito"

"At alam mo namang ikaw ang pumilit nito sa akin at blinackmail mo pa ako."

"Sabi ko nga, pero tulungan mo naman ako dito"

Umupo ako sa kama at tumunganga. "Anong gagawin ko?" Tanong ko. "Pwede ko bang hirman yung laptop mo, at tiyaka, ilapit mo sa akin yung printer niyo, may ink ba?"

"Ang dami mo namang sinabi, personal maid? personal maid" nag-make faces pa ako. Lumapit ako sa drawer kung saan ko nilalagay yung laptop ko at kinuha na rin yung charger kasi tinatamad talaga akong tumayo 'pag sinabi na ng computer na malapit na siyang malow-bat. Pagkatapos, binuhat ko naman yung printer na nasa katabing table ng drawer ko. Ang  bigat, tapos tingnan mo 'tong si Julia, todo selfie lang. Psh, kaya nga nagiging selfie capital 'tong Pilipinas, ay hindi pala. Ewan ko basta lugar, at sa Pilipinas matatagpuan. Dala-dala ko ngayon yung printer tapos laptop naman sa ibabaw, imagine?

Crush LifeWhere stories live. Discover now