Crush Life - Chapter 6

50 3 0
                                    

For the people who waited for this update :)

Lovelots <3.<3

--------

Chapter 6

[Jane's POV]

This day is the day. Kinakabahan na talaga ako, pakshet. Bakit?

--- Flashback ---

(Friday last week)

"Okay, next week na ang inyong campaign, right? Ang first na pupuntahan ng ating running presidents ay ang 7-A hanggang 7-G, gets? So bale kayo," sabi ni Ms. 

Armojallas, sabay turo niya sa aming mga running as student council president, "seven sections yung pagka-campaignan niyo. By the way, sa mga nagtatanong kung bakit 

pwedeng tumakbo as student council president ang mga grades 7-8 and year 3 kasi yun ang nasa school rules natin. Hindi natin sinusunod yung ibang rules ng ibang 

school kasi iba tayo dito sa San Juan Academy" aniya.

So, nasabi niya na. 'Wag na magtataka kung bakit pwede akong tumakbo as student council president kahit hindi pa ako nakatungtung sa year 4. 'Yan ang trip ng aming 

tanging academy e.

At nasabi niya rin na ang pagka-campaignan namin, diba sabi niya 7-A to 7-G so obviously, papasok ako sa loob ng classroom ni . . . aishh basta section B. 'Wag ka ng 

magtanong, lalo pa akong kinakabahan sabihin e.

--- End of Flashback ---

Diba? Nakakakaba. Pero ngayon ko pa nalaman na ang mga year 4 lang pala sa ibang schools ang pwedeng tumakbo as student council president. Kasi sa UM before, 

wala akong pakialam sa mga high schools. Basta wala akong kapake-pakialam sa kanila.

Bumaba na ako sa hagdan at pumunta sa kusina, pero wala pa sila ermats? Saan kaya 'yon?

Bumalik ako sa taas at pumunta sa harapan ng kanilang kwarto. Pipihitin ko na sana yung door knob nila pero may nakalimutan akong gawin. Ang maligo. Kaya pala wala 

sila sa kusina kasi naliligo pa sila. Psh.

Bumalik na ako sa kwartong nakalaan para sa isang princess frog like me, pinihit ko na yung pinto at dumiretso na sa banyo. 

?~* If you ever find yourelf stuck in the middle of the sea

      I'll sail the world to find you

      If you ever find yourself lost in the dark and you can't see

      I'll be the light to guide you . . . *~?

Pagkatapos ng kanta, ay ang pagkatapos na rin ng aking tanging pagliligo. Pagkatapos ko'ng magbalot ng tuwalya sa aking katawan at buhok, lumabas na ako. Binuksan 

ko ang aking cabinet at kinuha ang plantyadong uniporme ko dun. Habang linalagay ang aking bow/tie, basta sa leeg ilalagay, ay naisip ko ulit yung kaba ko kanina at 

lalong-lalo na, naramdaman ko rin, kasi hindi ako kakabahan kung hindi ako nakakaramdam.

Hinanda ko na and mga gagamitin ko mamaya sa campaign at inilapag sa aking kama, iiwan ko muna ito dito kasi kakain pa ako. Mamaya ko nalang ito babalikan kasi nga 

kakasabi lang.

Bumaba na ako ng hagdanan at umupo na sa upuan para sa akin doon sa kusina. Andito na pala si ermats, ay wala si erpats, ang aga niya namang umalis :((

Crush LifeOnde histórias criam vida. Descubra agora