Chapter 2: Unexpected Guest and Unexpected News

324 17 19
                                    

Pawisang umuwi ng bahay mula sa paglalaro ng basketball si Kazu. Nakaugalian na kasi nila ni Kenjie na maglaro tuwing araw ng walang pasok. Sports guy kasi ang magtropa. Kaya naman dumadayo talaga minsan ang mga to sa ibang lugar maglaro lang ng basketball.

6:30 p.m na at naghahanda ng hapunan si Mrs. Ino.

Kazu: "Ma, may luto na bang pagkain?"

Mrs. Ino: "Oo 'nak, maglpalit ka muna ng damit at maligo. Ang baho mo!" nanglalaking matang sabi nito.

Pumanhik na papuntang kwarto si Kazu para maligo. Pagpasok nito , dalidaling tinanggal ang jersey shirt at nahiga saglit sa malambot nitong kama. Habang nakatitig sa kisame, hindi niya maiwasan na mag isip tungkol sa napapanaginipan nito.

So... nag umpisa lahat nung nagbirthday ako. So lahat ng ito nang dahil sa regalo ni Uncle Jiro?


FLASHBACK FLASHBACK FLASHBACK.

It was 9:00 p.m already, lahat ng bisita ni Kazu ay nagsiuwian na.

Happy 18th Birthday to me! Tumanda na naman ako. Taragis na yan! nangingising sabi ni Kazu habang tumutulong kay mama niya mag imis ng pinaghandaan.

Hmmm legal age na. Pwede nang uminom ang nagmaneha. Good Shit bes!

May sasakyang dumating sa labas ng bahay. Si Dr. Chijo ang daddy niya, may kasama itong lalaki na may kakisigan ang katawan. Mayrong mahabang buhok na hanggang balikat ang lalaking kasama niya at nasa mid 40's na din siguro. Tinitigan ni Kazu mabuti ang lalaking kasama ni daddy niya at napansin niyang magkahawig sila nito ngunit mas matanda tignan kesa kay Dr. Chijo.

Dr. Chijo: "Darling, si Kuya Jiro andito" nakangiting sabi nito habang pumapasok sa pinto ng bahay.

Mrs. Ino: "Uy bayaw kamusta? Tuloy ka at birthday ngayon ni Kazu" paanyaya nito.

Nanatiling nakatayo lang si Kazu sa may sala habang tintititigan ang mga magulang at ang panauhin nila.

Mrs. Ino: "Kazu lika 'nak pakilala ka namin kay Uncle Jiro mo"

Dali daling lumapit si Kazu upang pakiharapan ang bisita.

Uncle Jiro: "Ito na ba ang pamangkin ko? kagwapong bata" sabay tapik nito sa balikat ni Kazu.

Kazu: "Salamat po Uncle" namumulang mukha na saad nito.

Nakwekwento na kay Kazu na may kapatid pa si daddy niya na nasa Croatia naninirahan. Matagal ng hindi umuuwi ng Japan ito dahil simula nagtrabaho ito doon ay dun narin nakapag asawa at napiling manirahan.

Uncle Jiro: "Regalo nga pala Kazu oh, sensya na at hindi ko na naibalot" sabay abot ng isang maliit na paperbag sa kanya.

Sinilip agad ni Kazu ang binigay na regalo nito. At nakita niyang isang maliit na parang kutsilyo ang laman. Kinuha niya ito at tinignan mabuti.

Astig nito ah sa isip isip niya habang pinagmamasdan ang maliit na kutsilyo.

Astig nito ah sa isip isip niya habang pinagmamasdan ang maliit na kutsilyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dei Suka: The AwakeningWhere stories live. Discover now