Wattpad Original
There is 1 more free part

CHAPTER 8

233K 4.3K 125
                                    

Chapter Eight

His Car


Hinayaan kong mauna si Jacob patungo sa kanyang sasakyan. Hindi ko maiwasang kabahan sa pagtitig sa likod niya habang matikas siyang naglalakad palayo sa'kin.

Kung bakit ba kasi kailangan niya pang mag-volunteer para ihatid ako pauwi? May mga paa naman ako e!

I should've called Harren; sigurado akong susunduin ako no'n kahit saan at anong oras. But I don't want to be such a burden to him. Masyado nang malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Huminto ako nang marating ang sasakyan niyang nakahanda sa labas ng mansion. Nagpaalam na rin ako kay Mama.

"Bumisita ka kapag may oras ka ha." Nakangiting sabi niya.

"Opo, Ma." Sagot ko na lang kahit na ang totoo ay hindi ko pa alam kung kailan ulit ako makababalik.

Niyakap ko na siya tanda ng pagpapaalam. Napasinghap ako nang makita ulit ang sasakyan ni Jacob na naghihintay sa'kin. He was leaning on his car while waiting for me. Nakahalukipkip siya doon.

I breathe out my frustrations. Siguro nga kailangan ko na lang lunukin ang lahat ng pride ko ngayon para matapos na ang araw na 'to.

Madali akong naglakad sa gawi niya. Gumalaw naman siya nang matapat na ako sa pintuan. He opened the door for me just like the old times.

Seryoso? Naisip ko pa 'yon? This is not the right time to reminisce Juliana! Wala nang tamang oras para isipin pa ang nakalipas.

"Thanks." Pormal kong sabi nang hindi siya tinititigan.

Sumakay na ako kaagad at nakahinga nang maluwag ng makita ang pagsara niya at pag-ibis sa driver's seat.

Here we go. Ilang minuto lang naman, Juliana. Lilipas din 'to, saglit lang... Think happy thoughts! Hinawakan ko ang dibdib kong nagsusumigaw na naman dahil sa kaba. Tumuwid ako sa pagkakaupo nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan at pagpasok niya roon.

Pakiramdam ko'y naubos ang hangin ko nang isara niya na nang tuluyan ang pintuan. I've never been this close to him since we broke up. Oo nga at naiiwan kami minsan sa kanyang opisina pero hindi 'yon ganito kaliit na halos mag-agawan na kami sa hanging nalalanghap.

Tahimik siya at nakatuon lang ang tingin sa ginagawa. Minaniobra na niya ang sasakyan palabas ng mansion.

As usual, this car still bores me. I zipped my mouth. Pati ang paghinga ko ay limitado dahil ayaw kong marinig ang sasabihin niya o kung may mga salita bang lalabas sa labi niya. I need to end every conversation that he might open up because I don't want to talk to him about trivial things. Unless it's work related.

Is it rude to wear my earphones now?

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga posteng nadaraanan ng sinasakyan namin. Tanging ang mga mabibigat na paghinga niya ang nagiging musika sa tainga ko. Dammit!

Sumulyap ako sa aking wrist watch. Mag-aalas diyes na ng gabi. Inilinga ko ulit ang paningin ko sa labas. Masyado pang malayo ang apartment sa lugar na 'to. Mabilis naman ang takbo niya pero hindi ko alam kung bakit parang ang tagal na naming nasa daan. O sadyang naiinip lang ako dahil sa taong katabi ko.

"Are you in a hurry?" Iritadong tanong ni Jacob na nagpatalon sa puso ko.

Napahigpit ang kapit ko sa aking bag na nasa itaas ng aking hita. What the hell? Stop talking and just drive!

Hindi ako sumagot dahil pakiramdam ko'y may malaking bara sa lalamunan ko. Sa pagbaling ko sa direksiyon niya ay mas lalong kumunot ang kanyang noo kahit na nasa daan ang atensiyon niya.

Just The Pleasure ( TBS 1 - Book 2 )Where stories live. Discover now