My Monito

19 1 0
                                    

Ali's POV

Eto na nga, 6:30 so.. Log in! Maaga pa naman kaya kalma pa ang queue. Chikahan muna. Pag mejo maswerte bibigyan ka ng oras to relax o mag-breakfast muna.

Mababait ang tao. Madaling kausap ang mga team leads, hindi power tripper! Mahirap ang proseso pero magaan ang trabaho. Best team ever!











And these are the reasons why I love my job!


Pero kasi..









It's been a month since Red left. Ghaad! I so miss him. Nagkikita pa din naman kami pero iba kasi yung araw-araw mong nakikita at nakakasama.

I can still recall how we started. S'yempre ishe-share ko sa inyo. Haha. Kaso.. Wait. Kinikilig ako!




Wait lang talaga..




Flashback


Grabe naman, pa'no ba 'to! Huhu. What to do? Kanino kaya ako pwede magtanong, bakit kasi kung kelan naka-lunch si TL tsaka ganito yung call ko.


Wala din si ate Mari huhu katapusan ko na, yung AHT ko! Lagot nanaman ako sa coaching hayy nakakaasar! What to do?







Teka, wait! Sige na nga lalapitan ko na si Kuya Red kahit mukha s'yang masungit.

"Kuya? Pwede mo po ako tulungan? Yung call ko kasi di ko ma-gets gagawin. Please?"


Then he checked my PC. We're actually seated beside each other. Kaninang umaga lang kami nagka-chance mag-usap, kahit almost a month na din kami magkasama sa team. He inititated the talk.





This morning, I was surprised na kinausap n'ya ako. We have this monito-monita thingy within our team kasi. Nagbunutan kami ng names the other day.


"Ali! Mahilig ka ba sa stuffed toy? Sa pillow kaya?"

Something soft kasi yung theme for that week.


"Hmm bakit po? Okay naman saken kahit ano. Di naman ako maarte, kahit nga wala e."


Natawa s'ya.




"..ako kasi nakabunot sa'yo. So kung ayaw mo ng stuffed toy, pwede na sa'yo Modess? Malambot yun. O kaya panty yung cotton!"


At tawa s'ya ng tawa kaya natawa na din ako. Feeling ko 'di naman talaga s'ya nakabunot sa name ko.


"Ikaw talaga kuya Red! Puro ka kalokohan."



So that was how we were earlier, at eto ngayon hinihingian ko na s'ya ng tulong. Di na kasi kaya ng powers ko ang call na 'to. Haha.


Okay naman pala s'ya. Di naman pala s'ya snobbish, judgmental lang talaga ako. Lol.



"So pa'no ba yan na-resolve ko call mo. Libre mo 'ko? Ice cream? Ano oras ba out mo?"





Bilang grateful naman ako sa pagtulong nya..





"Ice cream lang pala e, call! Ngayon na ba? Kaso 2pm out mo kuya di ba? 2:30 pa 'ko e. Next time na lang"






Your UniverseWhere stories live. Discover now