十一

473 15 2
                                    

Areum's POV

Nag-message si Jinyoung sakin, mukhang nakarating sa kaniya ang letter at malamang alam na niya. Ngayon na lang ulit nag message sakin si Jinyoung after 5 months.

Hindi ko alam kung dapat bang pumunta ako bukas at i-explain sa kaniya ang lahat, pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang lahat.

Not now. Wag muna ngayong may masasaktan at wag muna ngayong may nararamdaman pa ako para sa kaniya.

Ang pinagdadasal ko lang talaga na sana hindi pa nakakarating kay Herin. Knowing Jinyoung hindi naman siya maingay at siguradong wala pa siyang sinabihan tungkol doon. Bahala na bukas.

~~~

Nandito na ako sa school at kitang kita sa mukha ko na wala akong tulog. Hindi ako nakatulog kakaisip kung pupunta ba ako o hindi. At hindi pa rin ang sagot ko.

Diretso lang akong naglalakad papunta sa room namin nang may may biglang humila sakin. Si Jinyoung.

Hindi niya ako nilingon at hatak hatak pa rin niya ako hanggang makarating kami sa dati naming tambayan dito sa garden. Yung puno.

Gantong ganto din kami dati hatak hatak niya ako habang papunta dito sa favorite naming puno. Pero dati kasi puro saya kami. Iba na ngayon.

"I'll get straight to the point, ano to?" Sabi ni Jinyoung sabay labas nung letter ko.

Hindi ako makasagot, hindi ko alam kung ano dapat kong isagot.

"Uhm.." sino ba kasing anak ni satanas yung kumuha nito sa locker ko?

"Areum sumagot ka.."

"Ano Jinyoung wala lang yan.. ano.. kasi.. matagal na yan, akin na." kukunin ko na sana sa kaniya yung letter pero bigla niyang nilayo sakin.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko Areum, ano yung nabasa ko dito?" wala pa rin siyang emotion pero kita sa mga mata niya na gusto niyang malaman ang sagot.

"Wag talagang magpapakita sakin kung sino man yung poncio pilatong yun.." sabi ni Areum sa isip niya.

Sakto namang dumaan si Guanlin.

"Si Guanlin ang boyfriend ko! diba babe?" sabay hatak at yakap kay Guanlin.

What the fuck? ano yung sinabi ko?

Halata namang gulat na gulat sa Guanlin at kita sa mukha niya ang expression na "what the fuck?"

Sorry Guanlin sakyan mo muna ako.

Nagulat naman si Jinyoung sa nakita niya. I'm sorry Jinyoung.

"Si Guanlin?" tanong ni Jinyoung.

Pero hinatak ko na paalis si Guanlin sa lugar na yun at naiwang nakatayo si Jinyoung.


~~~

a/n: may marunong bang gumawa ng cover dito? please help your poor girl huhu

deal breaker • guanlinWhere stories live. Discover now