last.

425 18 7
                                    

Areum's POV

Sabi nila "loves no need a reason for it to be true" pero bakit sa nangyari samin ni Guanlin parang mas napatunayan ko pa na kailangan mag-bigay ng rason para talagang masabing totoo ang pagmamahal ng isang tao.

Akala kasi ata niya naglolokohan pa rin kami hanggang ngayon. Bat nga ba kasi ako naniwala sa kaniya nung umamin siya?

Kasalukuyan naman akong nagmamadali ngayon sa pag-iimpake dahil mamayang hapon na ang flight ko. Nakatulog kasi ako agad kagabi dahil sa pagod sa pag-iyak.

Eight o'clock am pa lang naman kaya may oras pa ako para makapag-ayos. Kung tatanungin niyo ako kung okay ako, hindi ako okay. Nagpapanggap na okay at malakas, oo ako yun ngayon.

Kailangan kong maging matatag dahil baka mamaya hindi ako makaalis dahil ayaw kong iwan si Guanlin. Pero kailangan.

Hindi pa naman kami ganon katagal ni Guanlin pero halos mag-iisang taon na rin simula nung unang araw na hinatak ko siya sa puno at pinag-sigawan ko na boyfriend ko siya.

Nung araw na yun akala ko wala lang. Pero dito pala kami dadalhin ng lahat. Naramdaman ko na lang na basa nanaman ang mga mata ko. Umiiyak nanaman ako. Ang sakit kasi. Ang hirap tanggapin. Sa ilang buwan at maiksing oras na mag-kasama kami, minahal ko siya ng totoo at sobra sobra.

Ano ba kasing nagawa ko? Hindi ko ba deserve maging masaya? Alam kong masyado pang maaga para sabihin na si Guanlin na ang makakatuluyan ko pero gusto ko na siya ang makasama ko.

Pero talagang hindi ata kami para sa isa't isa. Baka pinagtagpo kami para magpanggap lang talaga. Bakit ba hindi nauubos ang mga luha ko?

Third Person's POV

"Guys pwede niyo bang tawagan si Areum? Please." Kinukulit ni Guanlin lahat ng members niya para tawagan si Areum.

"Ikaw ang boyfriend, bakit hindi mo matawagan?" Tanong sa kaniya ni Daniel.

"I can't hyung. She blocked my number." Hindi naintindihan ni Daniel dahil english kaya hindi na lang siya sumagot.

Pero syempre joke lang yun dahil nakakaintindi talaga siya. Tinawagan ni Daniel pero naka block din ang number niya kay Areum.

"Guanlin naka-block din eh. Ano ba kasi nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Daniel kay Guanlin dahil ngayon na lang niya ulit nakita na malungkot ang pinaka-batang member.

Lahat naman ng members ay lumapit para makinig sa explanation ni Guanlin. Dahil lahat sila naguguluhan pa rin.

"Pumunta kasi si Nicole dito kahapon hyung tas nagulat ako bigla na lang niya akong hinalikan. Sakto namang pumunta rin dito si Areum kaya nakita niya. Pero maniwala ka sakin hyung hindi ko gustong halikan si Nicole." Naiintindihan at naniniwala naman si Daniel sa mga sinabi ni Guanlin dahil alam niyang mag-mula ang nangyari noon. Ayaw na ayaw na ni Guanlin kay Nicole.

"Isang malaking misunderstanding ang nangyari." Sabi naman ni Minhyun.

"Tawagan niyo nga si Areum!" Sigaw ni Daniel sa lahat ng members pero nung sinubukan nilang tawagan si Areum, lahat sila naka-block ang number.

deal breaker • guanlinWhere stories live. Discover now