1. Love at first sight

4.9K 103 5
                                    

Writer's note: Short story! Try lang! ^___^ Sana magustuhan niyo! :DDD

&&&


In a Relationship with a Playboy

written by imnotgivingup


1. Love at first sight

Point of View:

-Maria Isabelle Santiago-


"Pahingi naman.", sabi ko sa best friend kong si Clarisse na kumakain ng chips.

"Gusto mo talaga?... Bili ka!", pagbibiro niya sabay tawa, "Joke lang. Eto oh.", tapos inabot niya sakin yung lalagyan. Kinuha ko naman yun tapos bigla siyang tumawa. "Hindi ka pa rin talaga sanay sa mga ganyan ko no?".

Pagtingin ko, wala na palang laman yung binigay niya sakin, balat nalang. "Hmp! Sayo na yan!", sabi ko tapos tinapon ko yung balat pabalik sa kanya.

"Mabuti. Naka-graduate tayo ng highschool nuh?", sabi niya bigla.

"Anong tayo?... Talaga namang naka-graduate ako eh, nang walang halong daya.", pagbibiro ko, "Ikaw lang naman ang tamad mag-aral eh.", sabay labas ng dila para asarin siya.

Tumawa lang siya at sinabing, "Sa bagay...".

Big day ang araw na 'to dahil first day namin bilang freshman dito sa Hannes College ng best friend kong si Clarisse. Pero hindi lang yun ang dahilan, isa pa, dahil makakasama ko na ulit ang mahal kong si Lester!!!

Mas matanda siya sakin ng isang taon kaya second year na siya dito pero kahit ganon, maayos naman ang relasyon namin at pangatlong taon na nga naming mag-bf/gf ngayong taon na 'to eh.

Matagal ko nang kilala si Lester. Ang full name niya ay Lester H. Dela Vega. Herrera ang middle name niya. July 6 ang birthday niya at mage-eighteen na siya ngayon. Mahilig siyang mag-badminton. Red ang favorite color niya. At marami pang iba.

Alam ko ang lahat nang yun kasi kababata ko siya. Una kaming nagkakilala sa isang party na hinost ng mga magulang niya kung saan naman imbitado ang pamilya ko. Mga bata pa lang kami nun pero naramdaman ko na sa unang kita ko palang sa kanya na gusto ko siya. Na-"love at first sight" nga ako sa kanya.

Pagkatapos nun, pumasok na ako sa school na pinapasukan niya kaya araw-araw ko na siyang nakikita. Pati na rin sa highschool, magkapareho din kami nang pinasukan... kasi sinundan ko talaga siya. At syempre, ganon din ngayon college pero hindi na naman siguro masama ngayon... kasi girlfriend naman niya 'ko. Naalala ko tuloy nung third year highschool ako at si Lester at fourth year. Noon kasi ako nag-confess sa kanya...


***

Sa hallway, wala nang mga estudyante dahil nakauwi na ang lahat. Nakatayo lang kaming dalawa ni Lester nang magkaharap at may isang metrong pagitan samin.

Kahit na hiyang-hiya ako nun, ini-stretch ko pa rin ang mga braso ko habang hawak ng mga kamay ko ang isang supot ng cupcake na ako mismo ang nag-bake. Yumuko ako at sinabing, "Gusto kita, Lester Herrera Dela Vega!".

Sobrang tahimik nang mga oras na yun tapos bigla nalang siyang nagtanong, "Anong pangalan mo?".

Nagulat ako dun. B-bakit hindi niya 'ko kilala?. "Maria Isabelle Santiago.", nakasagot pa rin naman ako kahit papano sa kabila nang pagka-shock ko sa sinabi niya.

"Okay. Girlfriend na kita.", sabi niya.

"G-g-ganun lang yun?", pagtataka ko.

"Kilala mo naman ako, diba?", tanong niya, "Hindi mo na kailangang magtaka.". Lumapit siya sakin at kinuha yung supot na hawak ko. "Uwi na 'ko.".

"T-t-thank you!".

***

"Oi!", sigaw sakin ni Clarisse na nagpatigil sakin sa pag-iisip. "Ngiting-ngiti ka dyan?", tanong niya.

"Naalala ko lang si Lester.".

"Kayo pa rin?!", pagkagulat niya, "Pandagdag girlfriend ka lang nun. Dapat hiwalayan mo na yun eh.".

"Ayoko nga.".

"Pero kung ako sa'yo hihiwalayan ko na talaga yun.", sabi niya. Palagi talaga niya 'kong nile-lecture tungkol kay Lester, kasi inaalala niya 'ko. Ibang klase talaga 'tong si Cla-cla! Pero hindi ko pa rin susundin ang sinasabi niya kasi mahal ko talaga si Lester.

"Naiintindihan naman kita, Cla-cla...", sabi ko naman, "...pero hindi ko kaya eh. Mahal ko talaga si Lester kahit na ano pang gawin niya, ayos lang sakin.".

"Hayy! Okay. Okay.", sabi niya, "Basta huwag mo na 'kong tawagin nang ganyan.". Tumayo na siya dahil malapit na ang susunod niyang klase. Sumunod naman ako sa kanya at niyakap ko siya. Ngumiti lang siya at ganun rin ako sa kanya.

Magkaiba kami ng klase kaya pagdaan namin sa assigned classroom ng klase nya, ako nalang mag-isa ang naglakad papunta sa classroom ko. Sa pagpunta ko sa classroom, napatingin ako sa hallway papunta sa building kung saan ang mga rooms ay mostly assigned sa classes ng sophomores.

Laking gulat ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki, si Lester... ... ...may hinahalikang babae. Napatingin rin sakin si Lester at kinindatan niya 'ko.

Dumiretso nalang ako sa paglalakad na parang hindi ko napansin yun. Isa pa, sanay na naman ako dun. Nung highschool kami, maraming beses kong nakita ang scene na yun. Nung una, masakit talaga at gustung-gusto kong umiyak pero nang paulit-ulit na, wala nalang... pinabayaan ko na lang siya. Saka isa lang naman ako sa mga girlfriends niya eh.

"Wala akong nakita. Wala akong nakita.", sabi ko sa sarili ko sabay takip sa mga mata ko, katulad ng lagi kong ginagawa sa tuwing nakikita ko ang scene na ganun.

Ilang segundo lang, may nabangga na 'ko. "Oi. Ano ba!", sabi ng isang matangkad na lalaki. Humingi ako ng pasensya sa nangyari. "Kilala mo ba yung pinakatanyag na mang-aagaw ng girlfriend dito?", tanong niya bigla, "Nakita mo ba kung nasan?".

Umiling ako at sinabing, "Hindi po. Pasensya na po pero kailangan ko nang pumunta sa klase ko.".

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at sa 'di kalayuan narinig kong nagsalita yung lalaki, "Tss. Patay talaga sakin yung Lester na yun.". Tama nga ang hinala ko... na si Lester ang hinahanap niya.

Hindi naman yun kagulat-gulat. Dati, trabaho ko na rin ang pagtakpan si Lester sa mga taong gustong bugbugin siya eh.

Ayokong mapahamak siya... kasi mahal ko siya.

In a Relationship with a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon