5. Tell me

2.8K 70 5
                                    

Writer's note: Ay! Guys! Pasensya na ah... pero wala munang update bukas. TEP muna ang ia-update ko. Pasensya na talaga... Kasi naman, ang hirap pala kapag sabay. Sabit-sabit na ang kwento sa utak ko. @_@

&&&


In a Relationship with a Playboy

written by imnotgivingup


5. Tell me

Point of View:

-Maria Isabelle Santiago-


Mabilis na lumipas ang oras habang nagkukwentuhan kami ni Jerome. Agad kaming nagpunta sa mga klase namin para makahabol.

Pagkatapos ng klase, pinuntahan ako ni Jerome sa classroom ng last subject ko. "Pauwi ka na?", tanong niya, "Ihahatid kita kung gusto mo.".

Nagulat ako sa tanong niya, kakakilala niya pa lang sakin, hatid agad?. "May date kami ni Lester.", sabi ko, "Next time nalang.".

"Ah. Sige.", sabi niya, "Sabihin mo nalang sakin kung pinaiyak ka ulit nun. Iisahan ko talaga yun!".

"Huwag naman.".

"Matagal na 'kong asar dun.", sabi niya, "Gusto ko nang magandang rason para masuntok yung gagong yun.".

"Uy.".

"S-sorry. Boyfriend mo nga pala yun.", sabi niya, "Isipin mo nalang na hindi ko sinabi yun. Sige.". Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na siya at katulad ng sinabi niya, kinalimutan ko na nga lang na sinabi niya yun kasi kasisimula nga lang ng pagkakaibigan namin eh, masisira agad?.

Bakit naman parang ang laki nang galit niya kay Lester?

"Lester, saan mo gustong pumunta?", tanong ko kay Lester. Tuwing nagde-date kami, parang ako ang lalaki samin. May point naman kasi si Lester sa sinabi niya nung first date namin, ako ang nag-invite edi ako dapat ang gumawa ng paraan para maging successful 'tong date, ako dapat ang gumastos, ako dapat lahat.

"Kahit saan. Bahala ka.", sagot ni Lester, "Basta sandali lang tayo.".

"Okay.". Yun na lang ang sinabi ko tapos nagpatuloy na kami sa paglalakad pero dahil naisip ko na parang ayaw naman niya 'kong kasama... "Ah. Lester, sige. Huwag na lang tayong mag-date.", sabi ko, "Next time nalang, siguro.".

Akala ko tatanggi siya pero sumang-ayon naman siya agad. Hay. Dapat hindi na 'ko umasa. Imposible naman kasi yung naisip kong yun. Tumalikod na siya at sinabing, "Sige, Jane.".

"Hindi ako si Jane.", sabi ko. Nang sabihin ko yun, bigla nalang akong binalikan ni Lester at lumapit pa siya sakin nang mas malapit at syempre, ang puso ko naman, ang bilis ng tibok. Hinawakan niya ang chin ko na parang hahalikan niya 'ko... at nang naramdaman kong yun nga talaga ang balak niya, "Sandali lang.", pinigilan ko siya. Naalala ko kasi yung ginawa niya kahapon, sa bahay nila, dun sa babaeng kasama niya. Ganitong-ganito yun. "Bakit mo gagawin yun?".

"Mali ang nasabi kong pangalan, hindi ba?", sabi niya.

Napaisip ako at isa lang ang naging konklusyon ko. "S-sa tuwing magkakamali ka sa pangalan nila, kailangan mo silang halikan?".

In a Relationship with a PlayboyWhere stories live. Discover now