Chapter Seven

9.1K 222 21
                                    

----------------------------------------

''Good Morning Jane.'' Bati ni Kath ng makita si Jane.

''Good Morning din Kath.'' Nakangiting balik bati ni Jane sa kaibigan. Sabay na silang naglakad patungo sa kanilang class room since magkaklase naman sila.

''So how's your weekend?'' Pagtatanong ni Jane.

''Ayos lang naman.'' Sagot ni Kath, pagkatpos kasi ng encounter na naganap nung sabado ay pinili nalang nilang wag gumawa ng gulo lalo na at nasa public sila.

''Mabuti naman, hindi ka naman galit dahil sa ginawa ko diba?'' Nag-aalalang sabi ni Jane.

''No! I'm really thankful pa nga kasi minulat mo ako sa katotohanang nagiging tanga na ako.'' Sabi ni Kath.

''Hindi ka naman tanga, nabulag ka lang.'' Sabi ni Jane kaya napatawa nalang si Kath.

Nang sila ay makarating sa class room ay agad silang nilapitan ni Daniel.

''Good Morning Jane! And Kath!'' Masayang bati ni Daniel sa dalwang dalaga.

''Well someone is really happy~~!'' Pakantang sabi ni Jnae at iniwan ang dalwa. Napailing nalang si Kath habang nakatingin kay Jane.

''Na-miss kita.'' Biglaang sabi ni Daniel kaya napatingin sa kanya si Kath.

''Grabe ka naman! Isang araw pa lang tayong di nag-kita ah.'' Sabi ni Kath,

''24 hours 1440 minutes and 86400 second din yun. Namimis kasi kita sa bawat segundo ng buhay ko.'' Banat ni Daniel na mukhang nag-practice pa ata.

''Aysus! Tigilan mo ako sa mga banat mo Daniel. Ang korni!'' Sabi ni Kath at pumunta na sa upuan nya.

''Kinilig ka! Aminin mo teh!'' Sabi ni Jane kay Kath kaya napailing si Kath.

''Tigilan nyo ako ha!'' Sabi ni Kath dahil mukhang pagtutulungan sya ng dalwa.

''Jane palit muna tayo ng upuan?'' Sabi ni Daniel at walang pag-aalinlangan na lumipat si Jane ng upuan na sobrang laki ang ngiti dahil kinikilig sya sa dalwa.

''Bakit ba?'' Tanong ni Kath kay Daniel ng makaupo na 'to sa upuan ni Jane.

''Anong bakit ba?'' Takang tanongni Daniel.

''Bakit ang kulit mo ngayon?''

Crush Ako Ng Crush Ni Best Friend? (KathNiel) *WITH SPECIAL CHAPTERS*Where stories live. Discover now