O N E

297 12 18
                                    

Chapter 1

"Ang mag e-speech naman ngayon ay ang ating salutatorian" Pagtawag ni Mrs.Cruz sa aming Salutatorian.

Pumalakpak naman kami pagkatapos nitong magsalita.

"Hi,Hello" Paunang bati ni Mariel ang aming Salutatorian.

"Good Morning to all of you, unang-una sa lahat, maraming salamat sa aking mga naging guro, kaklase, mga kaibigan at higit sa lahat ay ang aking Magulang. Maraming salamat... Blah... Blah ... Blah.. At ang panghuli ay, nais sana naming humingi ng tawad sa isang estudyante na tinaguriang Nerd ng school na ito,  Patawad sa lahat ng mga bagay na nagawa namin na hindi mo nagustuhan, Hannah Imperial ang aming Valedictorian. Thank You!

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa aking mga narinig.

"Maraming salamat Mariel De Ocampo" Sambit ni Mrs.Cruz.

Nagpalakpakan naman kaming lahat at lumapit sa aking kinauupuan si Mariel at niyakap ako.

"Sorry Hannah" bulong nito.

"Wala yun, sige na , umupo kana" nakangiti kong sambit sa kanya.

Niyakap niya naman akong muli saka umupo sa kanyang upuan.

"At ngayon naman ay ang ating Valedictorian, Hannah Imperial" si Mrs.Cruz.

"Bigyan natin siya ng Masigabong Palakpakan" sambit ni Mrs. Cruz.

Nagpalakpakan naman ang mga kapwa ko estudyante at kita dito ang kanilang mga ngiti.

"First of all, gising pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

Nagsitawanan naman silang lahat.

"Thank you... Blah... Blah.. blah.. blah.. at maraming salamat dahil sa paghingi niyo ng tawad sa akin. Thank You.

Pagkatapos kong mag speech ay ang principal naman ang sumunod. Mabilis naman itong natapos at sabay sabay kaming lahat na nagsitakbuan sa field.

"Isa, dalawa, Tatloooo" at sabay sabay naming hinagis sa taas ang nakapatong sa ulo namin.

Nauna na palang umuwi sila Mama at Papa para daw sa handaang mangyayare mamaya.

Dumiretso na kami sa Office para ibalik ang togang ginamit namin. Pagkalabas ko sa office ay nagmadali na akong tumakbo palabas ng gate ng biglang may tumawag sa akin.

"Oy Hannah" Napalingon naman ako dito at laking gulat ko dahil si Justin pala ang tumawag sa akin.

"Ba-kit?" Nauutal kong tanong dito.

"Congrats" at inilahad naman nito ang kanyang kanang kamay.

"Thank you" sambit ko.

Tatanggalin ko na sana ang kamay ko pero hindi ko kaya sa sobrang higpit ng pagkahawak niya.

"Ahm, yung kamay ko" Pambabasag ko sa katahimikan.

"Ay, Sorry " sambit nito sabay kamot sa batok niya

"Sige, Aalis na ako" paalam ko dito.

Naglakad na ako ngunit ilang hakbang palang ang layo ko ng tawagin niya ako ulit.

"Hannah" Napatingin naman ako sa kanya.

"Ah-eh, wala sige" Sambit niya at mabilis itong tumakbo.

Ano kayang nangyare dun? Siguro hihingi lang yun ng Sorry dahil siya ang pasimuno kung bakit ako binully eh.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko palabas ng gate at nagabang naman ako ng Jeep para makauwe na ako.

"Diyan lang po sa may kanto kuya" sambit ko sa Driver , buti na lang at mabilis itong mag drive kaya nakarating agad ako sa bahay.

Nakakapagtaka naman na nawalan ng tao dito sa Street namin, samantalang halos oras-oras ay di maubusan ng mga tao dito.

Di ko na lang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang aa makarating ako sa bahay.

Bubuksan ko na sana ang gate ngunit may napansin akong nakapaskil na sulat dito.

"PUMUNTA KA SA COURT ANAK, mama." Sinunod ko naman ang nakasulat dahil masunurin akong bata.

Pagdating ko sa court ay bigla akong napatalon ng maapakan ko yung tali sa gitna. Kasabay naman nito ang tila umulan ng makukulay na papel sa paligid.

"SURPRISE" sabay sabay nilang sambit sa akin.

Bigla namang tumulo ang luha ko dahil alam kong mamaya ay ako na naman ang maglilinis nito.

"Bakit ka umiiyak anak?" Tanong ni Papa sa akin.

"Masaya lang po Papa" naiiyak kong sagot dito."Super Saya" dugtong ko.

Kailangan ko na nga talagang tanggapin na may lilinisin na naman ako mamaya.

"Papa, hindi ko naman hiniling ang ganto eh, makasama ko lang kayo ayos na yun" sambit ko sa aking pinakamamahal na papa .

" Minsan lang naman ito anak, kaya dapat magsaya ka." Masayang sambit ni Papa sa akin.

"Maraming salamat po ulit papa" niyakap ko ulit si Papa."Nasan nga pala si mama?" Tanong ko dito.

"Inaasikaso ang mga bisita" si Papa.

Nakisalo naman akong kumain sa mga kabarangay ko.

Ang saya pala pag magkakasundo ang buong barangay no?

Pagkatapos ng Party ba yun? Nagsiuwian na ang mga bisita, kaya ito ngayon, naguumpisa na akong maglinis.

Kaya ayoko talaga sa mga handaan eh!

"Pwedeng tumulong Hanna?"

"Ay babaeng may lawit" sambit ko dahil sa sobrang gulat.

"Pag ako inatak-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla ako halikan ni Justin.(Joke) 

"Ikaw bahala" Sagot ko dito.
















Hi/Hello po!
Sana po ay suportahan ninyo ang Story ko. At sorry po sa mga TYPO!

Thanks.

.M.M.P.J.

When Ms.Nerdy Meets Mr.CEOWhere stories live. Discover now