ENTRY #14
TROUBLE
[JOEL:]
“Anong nangyari sa’yo, Joel?” buong pagtatakang tanong sa akin ni Justin nang makarating kami sa bahay.
Paano, natapunan---or, I must say, tinapunan INTENTIONALLY, ng mukhang bisugong Chloe na iyon! Pasalamat siya’t nangako ako kay Gabby na iiwas muna sa gulo, dahil kung hindi, naku! Baka kanina ko pa nasabunutan ‘yong babaitang iyon! Anong tingin niya sa akin? Pa-damsel in distress? Over my dead gorgeous body!
Saglit akong nag-isip ng alibi. “N-Nabitawan ko kasi kanina ‘yong hawak kong Starbuck's frappe, e. Naku, clumsy me.”
Mukhang hindi kumbinsido si Justin. Naku, sa dinami-rami ba naman ng p’wedeng magtanong, e ito pang nerd na ito. Madali pa naman itong makahalata, e. Pasimple kong siniko noon si Gabby na nasa likod ko lamang para i-back up ako.
“Dumaan kasi kami sa Starbuck's kanina, Justin. Alam mo na, unwinding. Gano’n,” alibi din niya.
Ilang saglit pa ay mukhang nakumbinsi rin siya. Napahinga na lamang kami ng malalim as a sign of relief.
“Sige, tanggalin mo na ‘yan at lalabhan ko. Baka maremedyuhan pa,” aniya pa.
“D-Dong, ako na. Nakakahiya naman sa’yo,” pagtanggi ko.
Kumunot na naman ang noo niya. “Marunong ka? Baka nga mas marunong pa ako sa’yo, Dong. Don’t underestimate me,” mayabang niyang statement.
Ay, aba, may gano’ng statement? Pero tama naman siya. Noob nga ang isang ako sa paglalaba. Ugh. Natawa rin naman si Gabby.
“Natumbok mo, Justin!” natatawa niyang pagsang-ayon.
Ngumisi pa sila ni Justin noon. Pinagtutulungan nila ako. Jusko, oo na. Talo na ako. Tch. Nagpaalam na muna ako sa kanila noon para magpalit ng damit since nangangamusta pa si Gabby kay Justin. Agad ko namang ibinigay kay Justin ang uniform ko.
“Nasaan nga pala sina Adrian?” naitanong ko all of a sudden.
“Nasa library, doon na lang daw sila mag-aaral muna,” aniya.
“E ikaw?” tanong ko naman.
O, ‘di ba? Nakakahiya lang? May exam pala ‘yong tao bukas, tapos uunahin pa niyang labhan ‘tong uniform ko? Kaloka lang.
“Nakapag-aral na ako kanina pa. Unwinding muna ako,” sagot niya sa akin. “ Don’t worry, maglalaba rin ako ng mga damit ko kaya isasabay ko na ‘to.”
“Naku, salamat much talaga, dong! Dahil diyan, sasarapan ko ang luto ko ngayon!”
“At ano naman ang iluluto mo, dong?” tanong pa niya habang nakangisi.
Ngumisi rin ako. “Tinola, besh.”
“Sigurado ka? Mukhang ‘di pa kayo nakakapag-review ni Gabby?” tila may pag-aalala niyang tanong.
Napa-rolled eyes na lamang ako sa kanya noon. Umiral na naman ang pagka-GC niya. Okay, pagbigyan na lang natin. At least naman, mukhang okay na siya. Hindi katulad noong mga panahong may alitan sila ni Michael. Halos mahihiya kang kausapin siya.
“P’wede namang mag-multitasking, dong.” Tinulak ko na siya papunta sa labas ng apartment. “Maglaba ka na para makapag-review ka kaagad.”
Natawa naman siya. “Oo na. Oo na.”
Napapailing na lang akong pumasok noon sa loob para makapaghanda na kaagad ng hapunan namin. Si Gab, busy na sa pagri-review. Nag-offer pa ito ng tulong ngunit sinabihan ko na lamang siya na mag-review na lamang at ako na ang bahala.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...