ENTRY #33
Acceptance and Threats
[JAKE:]
"B-Bakit niyo 'yan sinasabi sa akin?" tila may pagtatanong sa tono kong sambit kay Papa noon.
Seryoso ko siyang tiningnan noon. Ni wala man lang bakas ng pagsisisi na sinambit niya 'yon sa akin. Ano'ng karapatan niyang pagbawalan ako sa mga desisyon ko sa buhay ko, kung noong una pa lang, never naman siyang nagpakaama sa akin? Bakit? Dahil ayaw niyang magaya ako sa kanya? What a lame excuse! Hindi ko hinayaan ang sarili kong magmahal ng katulad niya para lang pakinggan ang mga sasabihin sa akin ng ibang tao! Ano ba'ng pakialam nila sa choice ko? At ano ba'ng pakialam ni Papa sa desisyon ko?
Seryoso pa rin itong tumingin sa mga mata ko. "Papa mo pa rin ako, Jake, at sinasabi ko lang kung ano ang nakikita kong tama."
"Wow!" I exclaimed. "'Yan ba ang tama!? Ang pagbawalan ako sa kung ano man ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Seriously? Pumunta lang kayo rito para sabihin 'yan?"
"Hindi mo alam kung ano ang p'wedeng mangyari kung ipipilit mo pa rin 'yang lecheng desisyon mo." Tumayo ito saka hinarap pa ako lalo. "Hindi mo alam kung ano ang tinanggap kong panghuhusga noong lumabas ako sa kloseta, anak. Masakit. Nakakababa ng pagkatao. Kaya nga sinasabi ko 'to kasi ayaw kong matulad ka sa sinapit ko."
"Ah! Sinasabi mong ayaw mong maulit sa akin ang sinapit mo? Ang lame no'n, 'Pa!" sarcastic kong tugon dito. "Leave me alone. Masyado na akong pagod para pakinggan pa ang lahat ng mga sasabihin ninyo."
"Anak—"
"Please lang, 'Pa! Bago pa ako makapagsabi ng mga bagay na hindi ninyo gugustuhin," nasabi ko na lang dito.
Napansin ko ang pagbuntong-hininga nito, bago naglakad palabas sa kwarto ko, ngunit saglit pa itong huminto.
"Naguguluhan ka lang sa mga nangyayari, Jake. Habang maaga pa ay putulin mo na ang relasyon ninyong dalawa," sambit pa nito bago tuluyang bumaba.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Natatakot ako sa mga posibleng gawin ni Papa. Kilala ko 'yon, e. Once na mayroon siyang sinabing isang bagay, hindi siya titigil hangga't hindi niya naisasakatuparan iyon. Galit din ako, lalo pa't ginugulo niya ang buhay ko. Hindi pa ba siya masaya na iniwan niya kami nina Mama? 'Di ba, parang wala na rin siyang karapatan sa amin mula noon? Bakit kung umakto siya, parang wala lang 'yong nangyari noon? Na parang hindi niya kami iniwan, at hindi siya nagpakaama para man lang sa amin ni Kendrick.
Pinili ko na lamang noon na humiga sa kama ko at itulog na lamang ang lahat. Bahagya ko pang naririnig ang pagtatalo nina Mama at Papa noon sa baba. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit pa kasi ginugulo ni Papa ang lahat, e. Kung kailan smooth-sailing na ang lahat, saka siya darating para guluhin ang lahat.
Naalimpungatan na lamang ako nang maramdaman kong tila mayroong tao sa tabi ko—dahilan para mapabalikwas ako. Laking pagkabigla ko nang makitang si Joel pala iyon. Tila mahimbing ang tulog nito. Mukhang napagod sa swimming nila. Teka—anong oras na pala? Dali-dali kong tiningnan ang wall clock sa kwarto ko. 5:40 PM. Halos anim na oras pala akong nakatulog? Imbes na gisingin ay pinili ko na lamang na bumaba para icheck kung nandito pa si Papa. Sa totoo lang, umaasa akong huwag na siyang bumalik pang ulit. Masama ba ako sa lagay na 'yon? Hindi naman siguro. Sadyang ginagawa lang niyang miserable ulit ang buhay namin. That's all. Naabutan ko noon sina Mama na nakaimpake at nag-aayos ng mga gamit nila. Awtomatiko tuloy na napakunot ang noo ko sa mga nangyayari.
"A-Anong mayroon, 'Ma?" may halong pagtataka kong tanong.
Saglit itong napahinto para tingnan ako. "Doon muna tayo sa Tito Albert mo makikituloy pansamantala, Jake. Mag-impake ka na rin kapag nagising na si Joel."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...