He's into Her - maxinejiji

3.1K 113 25
                                    

A little late, sorry. This isn't an introduction of Wattpad's best stories kung wala ang story na 'to. ❤

Story Description:  

(Season 1) Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin.

Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto.
Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo. Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya? Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan. Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.

(Season 3) HE CAN'T GET HER OFF HIS HEAD.

HE'S MISSING HER.HE'S INTO HER. Who's HER???


GENRE: GANGSTER, COMEDY, ACTION, SCHOOL, NON-TEEN FICTION.


Status: Season 1 - Completed and PUBLISHED UNDER LIB with 8 book parts.

Season 2 - Completed and PUBLISHED UNDER LIB with 19 book parts.

Season 3 - Completed


Review: Oo, mahaba, kailangan ng pasensya, pero sobrang worth it talaga. I love everything about this story. Nakakaadik. The mystery will keep you coming back for more. Mapapamahal ka sa mga characters kase matutunghayan mo yung pag-grow nila as a person.

Oo, mahaba, pero di mo mamamalayan na ang laki ng pagbabago ng takbo ng istorya ngunit wala ka pa sa kalahati hahah. Di nakakabagot dahil hindi ito nawawalan ng kwela.

Oo, mahaba, pero andito lahat ng uri ng aral. Pinapakita ang kahalagahan ng pag-aaral, ng pamilya, ng pagkakaibigan. Mula sa pambubully, hanggang sa mga seryosong bagay na buhay ang nakataya. Literal ding matututo ka ng mga Korean words heheh.

Oo, mahaba na ang sinabi ko pero ito ang mga patunay kung bakit dapat nyong basahin ang kwentong ito.

If this would be a series or a movie, deserve nitong manalo ng best action at best comedy award. The series deserves to be published like the size of the books of Percy Jackson series or the Selection series.

Sa tingin ko, sa lahat ng character sa libro na nabasa ko ay si Maxpein ang pinaka-nakaimpluwensya sakin. Ang angas, at pagiging malamig nya. Ang dedikasyon nya sa pag-aaral. Ang pagiging loyal nya sa mga kaibigan at pamilya at gagawin lahat para sa kanila.

Bilib din ako sa author na si Ate Max. Biruan mo? Nakaisip sya ng napakagandang obra. Kung pano nya nagawa sa pinakadetalye ang lahat. Lalo na pagdating sa title ng kwento. Unang season ay hindi ko maintindihan at hindi ko talaga ma-irelate, pero nang matapos ko ay naintindihan ko na. ❤ Thank you for making this story po, dear author. Your readers love you. Especially those silent readers like me :)

Best of the Best: Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon