021

25 0 0
                                        

8/3
Thursday, 23:15

Art's POV

"Ano ba kasing balak mo?" tanong ni Eos, nandito ako ngayon sa kanila kasi... ayaw kong makita siya

"Magppretend? Aish! Ewan ko ba kasi... bigla nalang naging ganon... 2 linggo lang naman nakakalipas pero ang laki ng epekto sakin nung post na 'yon, bwisit"  ko, kumakain kami ng midnight snacks.

Naisipan kong mag sleep over sa kanila kasi... why not? bff ko kaya 'tong si Eos, pati si Ares. Bff kaming tatlo actually...

"Ganon? Ganon nalang? Pretend? Gaga ka eh no?" binatukan ako nito, bruha, ang sakit mangbatok!

"Eh ano sa tingin mo ang gagawin ko? Mukhang ako lang naman yung nahulog eh... kagigil tuloy." sumbat ko.

"Ba't di ka mag patulong kay Ares? Leche talaga siya... na turingan bff e di ka tinutulungan... " dawit niya pa kay Ares, since pre school, magkakaibigan na kaming tatlo.

"Ah... ayaw ko nga, alam mong madaldal pa 'yon kesa satin, jusko. Ah, bahala na nga."

"Ang alam pa naman niya mahal mo parin si Isaiah 'no" tumango ako, naalala ko no'ng una naming encounter e.

"Alam mo bang may balak pa siyang sabihin sakanya yun? Ang gago hahahaha"

"Talaga?! Gago... HAHAHAHA" napatawa kaming dalawa, madalas namin 'tong ginagawa kapag problemado, kadalasan kasama si Ares dito... kaso, busy sila e.

"Mga gago kasi sila eh... busy sa iba!" sambit ko, tinawanan naman niya ako

"Hahahahahahaha, gago kawawa ka naman teh?" tumawa pa ito ng malakas, "Pakyu, mabulunan ka sana"

Sabay tigil sa pagtawa, pinagpatuloy namin ang pagkkwentuhan hanggang sa tinamaan na kami ng antok.

-/Kinaumagahan/

"Teh, bye na, kita tayo sa school mamaya ha?" sambit ko kay Eos, paalis na ko. Uuwi pala.

"Osige. Ingat! Pakisabi kay kuya mong kupal mag chat siya sakin pag nakauwi kana." sumbat naman niya sa akin, magttaxi kasi ako pauwi. Medyo malapit lang naman 'yong samin kaya okay lang.

Kiniss ko sa pisngi si Eos, saka umalis.

-/Sa bahay/

"Mommy... Kuya! Andito na ko!!" sigaw ko, lumabas naman si kuya na naka pantulog pa... hmm anong oras na ba?

Tiningnan ko ang relos ko... 6:28 palang ng umaga

"Oh, anak... kumain kana ba? Kasama mo ba si Eos?" tanong ni mommy, umiling ako. "Umalis na po si Eos eh... di pa ako nagkain mommy, hehehe"

"Ay nako, mommy. Kain nalang tayo sa labas? Starbucks? Or what?" suggest ni kuya, kahit kailan talaga ang sweet nito... swerte ng girlfriend nito pag nagkataon.

"Nice idea, osige. Maligo na tayo... mag breakfast tayo sa starbucks!" napangiti ako, damn ang swerte ko kina mommy at kuya... si daddy kasi maagang kinuha ni Lord dahil sa sakit niya... okay lang naman, kaso namimiss na namin si daddy kahit na 3 years na ang nakalipas...

Umakyat na si mommy, natira kaming dalawa ni kuya. Pumunta ako kay kuya at yumakap, "Damn, kuya. Namiss kita agad. Bwisit."

Narinig ko namang humikbi ito, t-teka? "HALA KUYA UMIIYAK KA BA!?" binatukan niya ko, aba gago!

"Tangina... pagsigawan mo pa! Art naman kasi, magsasabi ka kung aalis ka ha? Pinagalala mo kasi talaga ako. Damn, ang bakla ko na ba?" ito ang pinaka gusto ko kay kuya... malambing, maalaga, mapagmahal pa. Shit, swerte ko.

"Hehehehe, sorry na kasi kuya. Maligo ka na nga! Baho mo eh, di ka pa nag ttoothbrush!" and again... binatukan niya uli ako, puta pag ako nawalan ng ulo!?!

Umakyat naman kami sa taas at naligo ng magkahiwalay syempre, pagkatapos ay naghintay kami sa baba para mag almusal sa starbucks.

-;

wrong send • sugaWhere stories live. Discover now