Chapter 1

9 0 0
                                    

"Sir, thank you for coming." nakangiting wika sa akin ng manager. He extended his hand to shake mine.

"It's a pleasure to have you here. Thank you for coming. What can you say about the band sir?" tanong niya.

Sinulyapan ko saglit ang banda na kasalukuyang tumugtugtog sa stage. Nahagip ng mata ko ang drummer nila na parang nasa sarili niyang mundo.

"They're...good" sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Panay hampas at ikot niya sa sticks na hawak niya, meron pang inihahagis niya ito sa ere at papaikutin ulit bago ihahampas sa drums.

"Sir" napatingin ako sa assistant ko bigla. "Mr. Floyd is asking you about the band." he informed me. Lumingon agad ako sa manager na parang nag-eexpect na ng sagot.

"Come again?" tanong ko sa kanya.

"The band seem to caught your attention sir. Are you willing to get them?"

"I'll think about it. My assistant will contact you for the dates of our meeting. I have to go." agad akong tumalikod sa kanila at lumabas. Sumunod naman agad sakin ang aking  assistant.

Pagdating ng sasakyan ay agad akong sumakay at pinaharurot ito paalis.

-----
"Blue!!!" nakakarinding sigaw ang bumungad sakin pagkatapos kong sagutin ang tawag.

"Walanghiya ka!!! Bakit mo ako iniwan?!! Ha?!" I bet his face is already red and smoke is coming out of his ears. It's a sight I want to see.

I stifled my laugh so I won't anger him more. "Sorry." ang nasabi ko na lang.

"Sorry?! Sorry lang?! Hoy walanghiya ka balikan mo ako dito!!"

"I-i can't, just take a cab or call someone else to fetch you." sabi ko habang nililiko ang sasakyan ko sa isang parking lot.

"Dinala mo ako dito, iuuwi mo rin ako! Al--"

"Felix I need to go"

"Aba't! Hoy--" pinutol ko na ang tawag.

Tiningnan ko ang sign board ng pinagparkingan ko. Flames. Ha! Tinanggal ko ang seat belt ko at lumabas ng sasakyan. Pumunta ako sa pinto at dire-diretsong pumasok. Binalewala ko ang mga nakapila sa labas, hindi na rin ako sinita ng guwardiya dahil kilala na ako dito.

Pagkapasok ko, dumiretso agad ako sa dati kong pwesto, walang nakaupo doon at walang uupo soon dahil nakareserba na sa akin ang pwestong iyon. Pagkaupo ko ay lumapita agad ang isang waiter, sinabi ko sa kanya ang order ko at tumalima agad siya.

Tiningnan ko ang nga nagsasayaw sa baba.Siksikan ang mga tao sa gitna, bodies covered in sweat and I bet halo-halo rin ang amoy doon. Inilapag na ng waiter ang inorder ko at inisang lagok ang isang shot.

Sinundan ko kaagad ito ng isa pa, at isa pa hanggang sa naubos ko ang sampung shots. Tiningnan ko ulit ang paligid, laser lights everywhere, smoke covered the area, the beat of the song that is joined by the bodies dancing downstairs ang smell of sweat, smoke and alcohol everywhere.

Tiningnan ko ulit ang mga taong nagsasayawan sa baba, they look happy, so carefree, they don't seem to have a problem. Silly me, of course, it's a club, they came here to unwind, to forget all their problems. Ako lang naman itong nage-emo dito sa taas, kahit yung mga mag-isa lang pumunta nakahanap na ng makakasama nila. Ako lang naman yung nagpapakaloner dito.

Argh! Ano ba yan ang drama mo naman. Para namang bago ito sa'yo. Ha! Nakita mo lang siya nagkakaganito ka na? Partida, sa malayo pa yun ha. Paano na lang kung magsasama pa kayo?

Tinawag ko ulit ang waiter at nag-order pa ng mas maraming shots. Nilunod ko lahat sa alak lahat ng mga iniisip ko, wala akong ginawa kundi magpakalasing, sunud sunod na inom, hindi ko na mabilang kung ilan na lahat ng nainom ko.

Ang huli kong natandaan ay nagdilim ang paningin ko at tuluyan ng bumagsak ang katawan ko dala ng kalasingan.

-----
Fuck! Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan ang paligid. Well, I'm in my room. Although it's not surprising, sinundo na naman siguro ako ni Felix. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos at toothbrush. Mamaya na ako maliligo tutal dito lang naman ako sa bahay.

Pagkatapos kong magbihis, lalabas na sana ako ng makita ko ang dalawang gamot at baso ng tubig sa gilid ng higaan ko. Nakakapagtaka, hindi naman ito ginagawa ni Felix.

Agad-agad akong bumaba at tiningnan kung sino ang naghatid sa akin. Pagpunta ko sa sala walang tao. Maya-maya may narinig ako sa kusina kaya pumunta ako dun.

"What the" nagulat ako sa taong bumungad sakin pagpasok ko. Lumingon agad siya nung narinig ako.

His cold piercing eyes met mine. Galit o inis, hindi ko alam kung ano ang nasa mata niya.

"You drank last night" malamig na sabi niya. Parang sinasabi niya may nagawa akong hindi tama. Biglang uminit yung ulo ko sa sinabi niya. Aba! At sino siya para pagbawalan ako kung ganun?!

"And so? Ano naman sa'yo kung uminom ako?" taas kilay kong tanong. I even crossed my arms to add effect. I want to show him that I can defy him, hindi niya ako sunud-sunuran.

Lalong nagdilim ang tingin niya sa inasta at sinabi ko.

#

Blue's DrummerWhere stories live. Discover now