Chapter 19

61 2 0
                                    

"Baekhyun!" napatingin ako kay Luhan na ngayon ay nakataas ang kilay. Nandito kami ngayon sa kwarto nila ni Sehun, tulad nga ng sabi niya kanina ay wala nga ito.

"Oh?" tanong ko at nag-iwas ng tingin

"Anong nangyari kanina? Bakit dumating ka dito ng parang lantang gulay at namumula yung mga mata mo." tanong nito na agad ko naman sinagot ng iling. "Anong wala! Pwede ba yon?! Ano nga! Magkwento ka o rereypin ka namin ni Kyungsoo! Ikaw bottom!" napatingin ako sa kaniya ng may pandidiri, maging ganun din si Kyungsoo.

"Yuck! Di tayo talo!" sabay na sigaw namin ni Kyungsoo. Natawa lang si Luhan at ngumisi. Nanlaki ang mga mata ko

"Hoy usa... M-May HD k-ka samin ni Kyeong noh?!" sigaw ko at lalo siyang tumawa. Si Kyungsoo naman ay nagtago sa likod ko.

"Yung mga reaksyon niyo." tumawa ulit siya pero kami ni Kyungsoo tinitingnan lang siya, weird ni usa ngayon.

"Pero di nga Baek, anong nangyari?" bigla namang tanong ni Soo kaya napatigil kakatawa si Luhan at nagseryoso ulit. Napabuntong hininga na lang ako at kinuwento sa kanila yung nangyari since nung nasa CR kami ng Sinehan

"Tangina talaga niyan eh. Konti na lang ako na talaga bubugbog dyan." halata sa boses ni Luhan yung gigil niya kay Chanyeol.

"Sige beks sayo si Chanern. Akin si Jiyoon. Kakalbuhin ko yung bruhang yun." si Kyungsoo naman this time. "Pero beks! Nakakakilig si Baro ah! Bigyan mo na ng chance!!!" kinikilig na sabi nito, tumili din si Luhan kaya napailing na lang ako. Mga baliw.

"Ayoko siyang gamitin para lang makalimutan si Chanyeol. Di pa ko handa beks. Hindi pa ko nakakaahon." sabi ko at yumuko

"Eh paano kung lumusong si Baro sa malalim na parte ng puso mo para tulungan kang umahon, papayag ka bang sumama sa kaniya?" makahulugang tanong ni Luhan.

"Kung di na talaga kaya. Kung hindi na talaga ako makahinga. Baka..." sabi ko at narinig ko na naman yung tili ng dalawa. Jusko

"Ay nako beks, magsitulog na tayo. May pasok pa tayo bukas. Anong oras na!" tumango kaming dalawa ni Luhan sa sinabi ni Kyungsoo at naghanda na sa pagtulog. Nang maalala kong wala pala akong dalang tootbrush!

"Wala akong extra dito. Ewan ko lang kay Sehun? Nakalock ata kwarto nun." napasimangot ako, hindi ako sanay ng hindi nagtutoothbrush sa gabi.

"Kunin ko lang sa taas. Tapos babalik din agad ako" paalam ko

"Ingat at baka makita ka ng school staff dyan, lagot ka" tumango ako at lumabas na ng kwarto nila. Napatingin ako sa paligid at nakitang walang tao. Dahan dahan akong umakyat sa 4th floor at pumunta sa kwarto namin. Maingat ko itong binuksan habang nakapikit dahil baka may makita akong hindi kanais-nais. Napabuntong hininga ako ng walang tao akong nadatnan. Agad kong sinarado ang pinto at dahan-dahang umakyat sa kwarto ko. Pero nasa hallway pa lang ako eh nakita ko ng kalalabas lang ni Chanyeol sa kwarto niya. Oh fucking great.

"U-Uhh" di ko alam bat ako nahihiya, huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. Nakita kong unti-unti siyang naglakad papunta sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras pero huli na ang lahat ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Sa sobrang gulat ay hindi ko siya nagawang itulak. Humiwalay ito saglit bago ako ulit hinalikan, this time gumagalaw na ito sa isang marahang halik na nagpalambot sa damdamin ko. Eto na naman ako. Eto na naman ang puso kong traydor. Ang puso kong martyr. Hindi na natuto.

Nakita ko na lang ang sarili kong humahalik na sa kaniya pabalik. Baekhyun, gumising ka. Masamang panaginip lang yan. Napasinghap ako ng binuhat niya ko at isinandal sa pader habang hindi binibitawan ang labi ko.

"I miss you baby." rinig ko sa boses niya ang lungkot. I wrapped my arms around his neck and my legs around his waist as I kisses him back. Kinain ko lahat ng mga salitang binitiwan ko sa kaniya nung mga nakaraang linggo at kanina. Hindi ko talaga siya kayang iwasan. Mahal na mahal ko siya kahit anong gawin ko.

Falling For You [ChanBaek FF]Where stories live. Discover now