PROLOGUE: ARE YOU READY?

813 7 1
                                    


13:4 LOVE by aybisi_di



PROLOGUE: ARE YOU READY?



"MOMMY?!!" Takang tanong ko sa kanya.


Ako? Mommy?! Luh si Kuya patawa.


"Grabe syaaaaa na-judge ako, single, 25 years old, walang boyfriend and wala pang anak, at please lang bessy hindi po ako ang Mommy."


Bes ang sakit na-judge ako, tawagin ba naman akong Mommy? Pang Nanay na ba aura-han ko? Grabe siya. Okay, ako na o.a masisi ba niya ako kung nag-aalala lang naman ako at nagmukha na akong Nanay sa pagka o.a ko, sakit lang bes ha.


"Sorry didn't mean to judge you, para ka kasing Nanay niya."


Aray ko Bes, strike two! Double kill. Okay na yung Mommy medyo sosyal at pang mayaman pero yung tinawag ako na Nanay, grabe talaga siya.


"A..he..he okaaaay laaaang Bessy." Tas inirapan ko siya. Bad ko noh? Slight lang haha!

"Bessy?" Tanong niya sakin.

"Bessy, bes, BEEEEEST FRIENDDDDD."

"I'm not your Bessy, okay?" Sabay talikod niya sakin. Grabe ang sungit naman nito. Pasalamat ka, mabait ako kundi nako. Sa inis ko di ko naiwasan mag make face sa kanya habang nakatalikod siya, and shoot! Boom huli!



"May problema ba? Mukhang masakit 'yang mukha mo, gusto mo resetahan kita ng gamot para tumigil 'yan pag galaw ng mukha mo?" Sarcastic niyang sabi sa akin.



PATAWA DI NAMAN BIRTHDAY. "HA-HA-HA KILITIIN MO KO NAKAKATAWA." Tinaasan niya ako ng kilay and the next thing I know gusto ko na magpalamon sa kisame ng ospital, bakit ko ba nasabi 'yon huhu.



"JOKE! HAHAHAHA!" Sabay talikod ako at napadasal na sana abutan pa ako ng bukas at hindi niya ako inject-an ng lason habang tulog ako.

Hindi ko talaga maintindihan bakit ang sungit nitong Doctor KK na 'to, kalalaking tao parang laging may dalaw. Pero hanggang kelan ko ba titiisin 'tong Doctor na 'to, siya pa naman nakalagay na Doctor-in-charge kay Keegan huhu help me Lord! Patience! More please!

13:4 LOVE (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang