Sa pagmulat ng mata siya lang ang nakita
Kumapit kami at gusto sanang magsalita
Ngunit purong iyak lang ang aming nagawa
Hinagkan niya kami at tumigil ang pag-ngawa
Tanging haplos niya lang ang sa ami'y uubra
Paghawak sa ami'y banayad ng sobra
Sa paggising sa umaga siya ang unang hinahanap
Tanging amoy niya lang ang nais malanghap
Pag siya'y nasisilayan kumpleto na ang araw
Sumisigla ng todo ang aming mga galaw
Boses niya'y musika sa aming pandinig
Presensya niya'y bumubuo sa aming daigdig
Marami man siyang mabigat na nararanasan
Nandito kami upang iyon ay gumaan
Matumba at madapa man siya ng paulit-ulit
Sasaluhin din namin siya kahit ilan pang ulit
Magkaroon man siya ng pusong napapagal
Kami'y mananatiling malakas kahit gaano pa katagal
Sa paglaki'y siya pa rin ang nais makatabi
Nais pa rin makita ang ngiti sa mga labi
Balang araw babalik ang sigla
At lilipad siya kasing taas ng agila
Dahil lakas niya'y Maykapal ang lumikha
Kaya kirot sa puso'y matatanggal ng kusa
Hindi hahayaan na siya'y mag-isa
Hindi papayag na siya'y mabalisa
Nang kami'y maliliit siya ang nag-aruga
Kami naman ngayon ang nais mag-alaga
Ang mga bisig niyang sa ami'y nakaalalay
Kaya't buhay namin sakanya'y ibibigay
Nabuhay kaming siya ang hinahangaan
Pagmamahal sa ami'y kanyang inilaan
Matatag na tao, 'yan ang aming Inay
Matapang na babae, 'yan ang aming Nanay
Sayo'y maglilingkod ng walang katapusan
Mamahalin ka ng walang alinlangan
YOU ARE READING
Wonder Woman
PoetryPara sa kaarawan ng aking pinakamamahal na Nanay. Saranghae Eomma :)