ᜄ᜔ | g u l o

1K 70 0
                                    

"Ser

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ser."

Binaba niya ng bahagya ang kanyang paningin para silipin kung sino ang nagbukas ng pinto ng kanyang opisina.

Inaya niya akong pumasok gamit ang pagsenyas ng kanyang ulo. Naramdaman ko ang lamig ng kwarto, tumagos 'yun sa suot kong simpleng pang-itaas at nanuot 'yon sa aking balat hanggang buto.

"Oh, Kiko?" niligpit niya 'yung librong binabasa niya kanina bago ako pumasok, tinuon niya sa'kin ang bilugan niyang mga mata.

"Ser, magpapaturo lang," sabi ko. Mahigpit parin ang hawak ko sa kwaderno.

"Sa lesson ba? I'll give you a chance mamaya sa klase bago tayo mag-start."

"Hindi, Ser. Sa iba po," binasa ko ang ibabang labi ko gamit ang dila dahil nanunuyot ito sa lamig ng kwarto.

"Tungkol saan?" binigyan niya ako ng naguguluhang mukha.

"Sa Baybayin po."

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersWhere stories live. Discover now