Chapter 24 CONVENT VISIT I

207 8 0
                                    

Aspirant Talitha's POV

Normal na araw lang naman ngayon. Saturday ngayon at visiting day din. Ang visiting hours namin ay magsisimula sa alas nueve ng umaga hanggang alas once ng umaga at sa hapon naman ay alas tres hanggang alas quatro. Kanina pa ako naghihintay dito sa convent. Alas dies na rin kasi. Bakit ang tagal yata nina Kuya Gab?? Malapit lang naman ang Pasay sa España a. (España, Manila po. Nandoon po kasi ang UST Central Seminary.) Baka naman na-traffic sila. Nag-aalala na rin ako kasi nga hanggang 11 AM lang ang visting hours sa umaga at kailangan pa nilang maghintay ng apat na oras para makadalaw ulit pagdating ng hapon. Paano ko nalaman na pupunta dito sina Kuya Gab?? Sinabi sa akin ni Sr. Micah, yung formator ko. Tumawag daw kasi kanina si Kuya Gab dito sa convent gamit ang landline ng seminary na dadalawin nga daw nila ako. Sinong sila?? Silang dalawa ni Fratello Gregory. Free day nga daw kasi nila kaya imbes daw na gumala sa kung saan ay dadalawin ako ni Kuya. Nakakatuwa lang na may choice naman si Kuya na gumala pero mas pinili niyang puntahan ako dito sa loob ng kumbento. Sina Mamà at Papà kasi, nandoon ngayon sa London dahil sa business trip nila, si Ate Grazia naman ay doon na na-destino sa convent nila sa Bukidnon kaya hindi rin niya ako mapuntahan. Hindi na nga kami nagkita pagkatapos ng graduation ko. Mga isang oras na din akong nakatambay sa library dahil na rin sa paghihintay ko noong may biglang dumating kasama ni Sr. Micah. Agad ko namang sinilip kung sino yung dumating na bisita. Nakita kong sina Kuya Gab at Fratello Gregory nga yung dumating at giniyahan sila ni Sr. Micah papunta sa loob ng receiving room. Agad naman akong na-excite dahil sa wakas! Nandito na ang Kuya ko! Kuya nga ba?? Si Kuya nga ba talaga ang dahilan kong bakit ako nasasabik??

Sa totoo niyan, na-miss ko naman talaga si Kuya ng sobra e at si Gregory. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya kaso yun nga, aspirant na'ko. Isa na akong formandy. Isa itong proseso sa pagiging isang ganap na madre. Nakasagot na ako ng una kong 'oo' sa Panginoon, parang mali naman yata kung babawiin ko ito dahil lamang sa isang seminarista, hindi ba?? Pakiramdam ko, kung gagawin ko ang bagay na iyon, napaka-selfish ko. Pakiramdam ko, magiging mas malaki pa ang kasalanan ko kasi kakaribalin ko ang Panginoon. Mahirap kasi talagang maging kahati ang Panginoon.

" Sana dalawa ang puso ko, hindi na sana nalilito kung sino sa inyo. " kanta ni Ate Janice, isang Temporary Professed

Huwag na po kayong magtaka kung bakit "Ate" ang tawag ko sa kanya. Ganyan kasi dito sa loob, para na kaming magkakapatid. Ate ang tawag namin sa nakatatanda sa amin sa formation except na lamang sa formator namin at sa mga perpetual na, Sister talaga ang tawag namin sa kanila.

" Ate, kanina ka pa ba diyan?? " tanong ko sa kanya

" Kung madali lang sanang bawiin ang 'oo' mo sa Panginoon no?? Kung maaari lang sanang sabihin mo sa kanya na 'Lord, puwede po bang siya na lang ang piliin ko?? Magsisilbi pa rin naman po ako kahit hindi ako madre e.' Kung sa isang iglap lang, maaari ka sanang lumabas agad ng kumbento, kaso hindi e. Hindi siya ganoon kadali kagaya ng iniisip ng ibang tao. Sabi nga sa akin noon nung parish priest ko bago ako pumasok, 'Mahirap ang pumasok pero mas mahirap ang lumabas'. Saka isa pa, mahirap din ang lumabas dahil maraming tao ang hindi nakakaintindi ng mga desisyong ginawa natin. Imbes na ipanalangin nila tayo, ang masama, hinuhusgahan agad nila kung bakit tayo sumuko at tumalikod sa ganitong klase ng buhay. Mahirap din ang pagpipigil ng damdamin, lalo na kung alam mo talaga sa sarili mo na mahal mo pa rin siya kaso hindi puwede kasi nandito tayo sa loob. Hindi puwede kasi um-oo na tayo sa Panginoon. Hindi puwede kasi nasa proseso tayo ng pagiging isang ganap na madre. Mahirap din kasi hindi naiintidihan ng mga tao na katulad nila, tao din tayo. Hindi tayo bato. Nakakaramdam din tayo, naghihirap, nasasaktan at higit sa lahat, umiibig. Hindi naman mali ang umibig e, ang kaso nga lang, nandito tayo sa loob at inilaan natin ang buhay natin sa Panginoon. " sagot ni Ate Janice

LOVE WAS MADE FOR US (Sequel of Lovers in Parish)Where stories live. Discover now