Chapter 29 SELOS

219 5 0
                                    

Bro. Gregory's POV

Naglalakad na'ko patungo sa chapel kung saan gaganapin ang perpetual profession ni Sr. Janice. Dito lang kasi sa chapel ng convent nila ang venue ng kanyang perpetual profession dahil nga malaki din ang chapel nila. Napatigil ako sa pagpalalakad noong nakita ko si Katharine na kausap si Joseph. Maya-maya lang ay dumating din si John. Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila kaya medyo lumapit na rin ako pero siyempre, nakatago ako sa haligi.

" Sister, may ikukumpisal po pala si Joseph. " natatawang sabi ni John

Kumpisal?? Ano ang ikukumpisal ni Joseph kay Katharine??

" May gusto ako sa'yo, Sister. Pero slight lang naman. Hindi naman po siguro masama ang mag-appreciate ng ganda diba?? " sabi sa kanya ni Joseph

May gusto si Joseph kay Katharine??

Nakita kong ngumiti ng bahagya si Katharine. Masaya pa siya ngayon na may nahumaling na namang seminarista sa ganda niya?? Bigla na lamang akong nakaramdam ng inis. Hindi ako naiinis kay Katharine o kung kay Joseph man. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan na huwag magselos sa mga nakikita at naririnig ko ngayon. Ang sakit kasi e. Sobrang sakit.

" Ree, ano na namang dahilan ng ikakatulala mo?? " tanong ni Gab sabay tingin sa kinaroroonan nina Katharine

Hindi ko siya sinagot dahil nga naiinis pa rin ako at siyempre, nagseselos.

" Ang kapatid ko na naman?? Hay naku, Ree, ilang beses ko ba dapat na sabihin sa'yo na mag-focus ka na lang sa bokasyon natin, diba?? Kalimutan mo na lang siya. " payo ni Gab

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Gab kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kinatatayuan kanina nina Katharine ngunit wala na sila doon. Baka pumasok na siya sa loob ng chapel.

" Gab, sisikapin kong sundin iyang sinasabi mo pero nakakainis lang kasi. "

" Bakit ka naman naiinis?? "

" Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang hindi magselos. "

" Alam ko na, dahil magkausap kanina sina Joseph at Talitha?? Halika na nga Ree, magsisimula na mamaya ang misa. " sabi sa'kin ni Gab sabay tulak sa'kin na pumunta na ng chapel

Pasalamat talaga ako dahil kaibigan ko ang isang ito e. Bestfriend ko ang nakatatandang kapatid ng babaeng mahal ko. Grabe talaga ang tadhana.

Pumasok na nga kami sa chapel at nakita ko si Katharine na nakaupo na doon sa seat na para sa commentator. Marami na rin kasi ang mga tao e, baka mamaya lang ay magsisimula na yung banal na misa. Tiningnan ko siya noong dumaan ako at nginitian niya naman ako. Ayan na naman ang mga ngiti niya, lalo lang akong nahuhulog sa kanya dahil sa mga ngiti niya e. Hindi ko siya pinansin dahil nga sa gusto ko siyang iwasan. Dali-dali akong naglakad patungo sa sacristy. Siguro, dito ko na lang hihintayin na dumating si Bishop. Mas safe yata dito e. Baka kasi kung doon ako sa labas ay mahirap na. Mas mahirap ang lumimot.

LOVE WAS MADE FOR US (Sequel of Lovers in Parish)Where stories live. Discover now