CHAPTER TWO

0 0 0
                                    

Pangalawang araw ng pagtira nila Amelia sa Bicol lumapit ang ampon ng tiyahin niyang si tisoy. Amy(palayaw ni Amelia), tinawag siya nito. "Bakit?" Tanong niya at sabay lapit niya. "May gusto makipagkilala sa iyo." Sabi nito sa kanya. "Sino naman?" Tanong niya sa kausap. "Si Anthony, pinsan ni Camille." Sagot naman sa kanya. "Saan naman niya ako nakita?" Tila ayaw maniwala ng dalagita sa kausap. "Don sa tindahan ni Mang Makoy nagbabasa ka ng komiks." Mahilig magbasa ng komiks ang dalagita. Pagkatapos niya maghugas ng pinggan magpapaalam siya sa kanyang ina upang pumunta ng tindahan. Inaarkila kila niya ang mga komiks n binbasa niya 50 sentimos ang bawat isa nito. Palibhasa bakasyon kaya pinapayagan siya ng kanyang ina. (1980's po ng mauso ang mga ganitong babasahin.) Di pa rin kumbinsido si Amelia sa mga sinabi ni Tisoy. Kaya hinayaan niya na lang kung anuman ang mga sinabi nito sa kanya.

Makalipas ang ilang araw. Dumating na ang kanyang ama kasabay ng inarkilang trak ng kanyang ama upang mahakot ang kanilang gamit. Pati si Puti na kanilang alaga ay kasama rin ng kanyang ama. Kasama rin ang Tito Ernie ang bayaw ng kanyang ina. "Kumusta Amy?" Sabi sa kanya ng kanyang tito. "Ang layo pala rito sa inyo." Patuloy sa pagsasalita nito siya naman ay nakikinig sa sinasabi nito. Halatang pagod na pagod ang kanyang tito. Kaya niyaya muna ng kanyang ina upang mag almusal kasabay ng kanyang ama, driver at pahinante ng trak.

Nag igib ng tubig si Amelia sa poso dahil hindi pa ganon ka progreso ang Bicol ng mga panahon na yun. Wala pang gripo, walang tv. Radyo pa lang ang meron. Tanging pagbasa ng komiks ang libangan ng dalagita. Kung minsan pagkatapos niya maghugas ng mga pinggan pumupunta ang dalagita sa tindhan upang tingnan kung may bagong deliver ng mga komiks. Iuuwi niya ang mga inarkila at babasahin niya ang mga ito sa knilang bahay. Kumbaga pampatulog niya ang mga ito.

Lingid sa kanya may 2 matang kanina pa nagmamasid sa kanya walang iba kundi ang binatilyong si Anthony. Hindi siya makalapit sa dalagita dahil nahihiya siya. Hanggang tingin na lang ang magagawa niya. Ano ba dapat niyang gawin para makilala ng personal ang dalagita?

A/N:

Comment lang po. Sana magustuhan ng reader/s...

FIRST LOVEWhere stories live. Discover now