Chapter 33: Confrontation (Part 2)

2.2M 54.2K 33.2K
                                    

"Lucas..."

Ngumiti siya pagkatapos ay unti-unti siyang naglakad papalapit sa 'kin. Hindi ko maintindihan pero parang bigla akong kinabahan.

Tumayo ako no'ng nasa harap ko na siya at nagulat na lang ako no'ng hinila niya ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako nang sobrang higpit.

"I miss you... so much."

Ramdam ko 'yong lungkot sa boses niya. Alam ko na hindi siya okay.

"Bakit ka nandito? May problema ba, Lucas?" Hindi pa rin niya ako binibitiwan. Nakayakap pa rin siya sa 'kin na akala mo isang taon kaming hindi nagkita.

"Natakot lang ako na baka mawala ka sa 'kin. Natakot ako na kapag nalaman mo na 'yong lahat, bigla ka na lang bumalik sa kanya at iwan mo na ako." Hinarap niya ako sa kanya. Tiningnan niya agad ako nang deretso sa mata ko.

"Alam mo na rin 'yong totoo?" Bigla siyang umiwas ng tingin sa 'kin.

"Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa 'yo. Ayaw ni Jeydon na sabihin ko at ayoko rin na malaman mo dahil ayoko na mawala ka sa 'kin. Naisip ko na kapag nalaman mo ang lahat, babalik ka na sa kanya at maiiwan akong mag-isa. Hindi ko na kaya na wala ka." Napakalungkot ng mukha ni Lucas. Pakiramdam ko, gusto na niyang umiyak. Nasasaktan ako na makita siya nang ganito. "Gusto ko nang maging selfish ngayon. Gusto na kitang ipagdamot. Pagod na akong magparaya at masaktan. Gusto na kitang ipaglaban." Hinawakan niya 'yong mukha ko habang nakatingin siya sa mga mata ko. "Candice, mahal na mahal kita."

"Lucas... oo, mahal na rin kita." Inalis ko 'yong kamay niya sa mukha ko pagkatapos ay umiwas ako ng tingin. "Pero ayokong magsinungaling. May lugar pa rin si Jeydon sa puso ko."

Pareho kaming natigilan at natahimik. Hinawakan ni Lucas 'yong mga kamay ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

"Hindi kita masisisi. Alam ko na kahit nasaktan ka niya, hindi basta-basta mawawala 'yong pagmamahal mo kay Jeydon. Alam ko noon pa na mahal mo pa rin siya pero kahit anong mangyari, hindi ako susuko, hindi kita isusuko. Lalaban ako kahit pa alam ko na maliit lang ang tyansa ko na manalo."

Finally, nagkalakas ng loob din akong tumingin sa kanya. Ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya at naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na ako 'yong dahilan kung bakit siya nasasaktan. Doble 'yong sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya na ganyan.

"Ayokong nakikita kang ganyan, Lucas." Niyakap ko siya. "Nalaman ko man lahat, hindi no'n maibabalik agad 'yong relasyon namin ni Jeydon. Marami nang nagbago."

"Are you choosing him over me?" Tumingin ako sa mata niya pero natigilan ako at hindi ako makapagsalita.

Sino nga ba sa kanila 'yong mas matimbang sa puso ko? Si Jeydon na minahal ko nang sobra o si Lucas na minamahal ako nang sobra? Si Jeydon na una kong minahal o si Lucas na hindi ako iniwan?

Isang perpektong prinsipe na hindi ka iiwan o isang hindi perpektong prinsipe na gagawin ang lahat para sa 'yo?

Hindi ko sinagot 'yong tanong niya. Sa totoo lang, hindi ko rin kasi alam kung sino ba talaga 'yong mas mahal ko sa kanilang dalawa. Isa lang 'yong alam ko. Pareho ko silang mahal sa magkaibang dahilan.

"Honestly, I don't know. Napakamakasarili ko kasi pareho ko kayong mahal."

"Alam kong hindi mo pa kayang sagutin 'yong tanong ko pero ayos lang, maghihintay ako kahit gaano katagal." Ngumiti nang pilit sa 'kin si Lucas. "Ayoko na bumalik ka pa sa kanya, Candice, pero desisyon mo pa rin ang dapat mong sundin. Kahit masakit, matatanggap ko kung siya 'yong mas pipiliin mo."

"Salamat, Lucas... Salamat kasi kahit kailan, hindi ka nagsawang intindihin ako." Hinawakan niya ulit 'yong kamay ko.

"Hindi ako magsasawang intindihin ka kasi mahal kita. Mahal na mahal." Binitiwan niya 'yong kamay ko pagkatapos ay hinawakan niya 'yong mukha ko. "Puntahan mo na siya. Alam kong kailangan ka pa niya ngayon. Tawagan mo lang ako. Nandito lang ako sa Korea."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon