TR-Fifteen

1.1K 20 0
                                    

#TRAbnormalnaPuso
-----------

Matapos akong kausapin ni couch na bukas pwedi na akong sumali sa kanila. Hinanap ko si carla kasi kanina pa hindi bumabalik. Hindi ko pinansin si calvin umalis agad ako. Tumakbo ako papuntang cafeteria kasi sabi niya may bibilhin daw siyang pagkain pero kanina pa hindi nakakabalik.


"ahh miss diba ikaw si Olivia?" napahinto ako sa pagtakbo dahil may humarang na babae parang familiar siya?



"yes?"





"omg! Ikaw ngaaa!  Waaah hoi nakalimutan mo ata ako Olivia eh ano bayan!" sabi niya habang ako kunot noong nakatingin sa kanya.




"Alisha Uy one of your loyal friend grabee nakalimutan mo ako agad?" nagulat ako sa sinabi niya. Ang laki kasi ng pinagbago niya lalo siyang gumanda ngayon kaya pala familiar.



"sorry naman hahaha grabe ang ganda mo na ata ngayon" natawa nalang ako.



"pero ikaw mas lalong gumanda my gossssh di kita nalapitan agad kasi busy ako sa council eh" sabi niya habang nakangiti sa akin.



"congrats nakasali ka pala sa student council?" sabi ko.





"ay teka ito pala ang susi ng locker room niyo nong kasama mo yong gwapo" sabi niya at humagalpak naman ako ng tawa.




"ewan kos ayo olivia nababaliw kana" dagdag niya habang nakasimangot.




"salamat sa dito Sha ha pero nagmamadali talaga ko kasi nawawala yong gwapong kasama ko" natatawa kong sabi.



"boyfriend mo yon no uiiiii" sabi niya pero parang inaasar ako ng babaeng to.


"anong sab-"




"ako ang boyfriend niya Alisha"


Natigilan ako at napalingon sa likod. Laglag panga ko sa nakita at habang papalapit siya parang nag slow motion eh lalo siyang gumwapo. Umiling iling ako bwesit bakit ganon iniisip ko.



"omg!  Si president ang boyfriend mo olivia!  Graveee girl ang haba ng hair mo di ko mapigilang kiligin" sabi ni sha sa akin pero hindi ako makaimik sa sinabi niya



Ano daw president?!!!






"sabi ni Carla ihahatid na daw kita kasi sumakit ang tiyan niya kanina di niya daw kaya, kaya ayun iniwan ka ng maganda mong pinsan princess" sabi ni calvin sa akin.




"hahaha si olivia tulala na pres. Oh sige  pres alis na ako inutusan pa ako eh take good care of my friend pres" sabi ni alisha na umalis nalang bigla sa harapan ko.




Di ako makaimik sa mga nalaman ko. Si calvin president ng student council!  Weee di nga?   Nagbibiro ata si Alisha eh. Itong unggoy nato president!  Saan ang hustisya dun?!




Biglang hinawakan ni calvin ang kamay ko at bahagya akong nagulat sa ginawa niya. Nakatulala lang akong nakatingin sa kamay namin at dahan dahan kong inangat ang paningin ko sa kanya ang titig niya nakakatunaw.





"yan!  Bagay sayo yan bwesit ka!  Nakakainis ka bakit di mo agad sinabi kanina na iniwan na ako ng bwesit na pinsan ko arghhh!" sa sobrang inis ko pinalo ko siya ng pinalo.

Wala naman akong paki kong kami pinagtitinginan ng mga nandito. Alam kong gwapo ang kasama ko pero maganda naman ako ah kaya bagay kami. What?!  Your unbelievable  Olivia anong bagay kayo hindddddiiiiii!



"haha you look cute princess" sabi niya.




Grabe parang wala lang sa kanya ang palo ko kanina. Matigas naman pala ang braso niya feel ko may abs ang isang to. Nako nako!  Hindddiii!  Bawal green minded dito di pwedi!




"pwedi ba calvin wag ka ngang pabagal bagal jan nakakahiya oh! Ang daming nakatingin sa akin tapos madadagdagan na naman ang mga bitter nako!" inis kong sabi sa unggoy na kasama ko tss.



"dapat mabagal para feel na feel ang moment princess ganito oh" sabi niya.



"hoi!  Tigil tigilan mo yang ginagawa mo calvin hindi bagay ano ka teacher?  Mag dedemo?! Bilisan mo kasi" reklamo ko.




"nooo!  Princess dapat e feel natin ang moment ngayon kasi alam mo na diba magkasama tayo" napairap ako sa sinabi niya bwesit ang kulit ng isang to. Pero..



"bitawan mo kamay ko calvin ano baaaa!!" sigaw ko habang hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya.




"ayaw" sagot niya tapos nag pout.




"grabee ang kulett mo eh! Ang sarap mong sakalin kakainis kana!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng unggoy. Hindi ko alam kong makakapagpigil ba ako kasi nababanas na ako.




"okay na behave na po ako princess kasi nandito na tayo pasok kana mahal na prinsesa" sabi niya habang pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya.



Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa sasakyan niya. Kasi kahit anong gawin ko wala naman akong takas sa unggoy nato mabebwesit lang ako lalo sa kanya kapag papatulan ko pa. Ferrari 812 superfast ito yong bagong model ng Ferrari ngayon eh bongga pala tong si Calvin eh! Mukhang bagong bili ang sasakyan. Pero erase erase dapat di ko siya kakausapin


"so you're living with carla?" tanong niya bigla sa akin. May choice ba akong manahimik ngayon walaaa!

"kung sinabi niya yan sayo na magkasama kami wag mo ng itanong sa akin" sagot ko sa kanya. Mukhang ang daldal ng pinsan ko pag yun di sumakit ang tiyan tatadyakan ko yon ng bongga.




"hahaha bakit ba inis na inis ka sakin sabi pa naman nila the more you hate the more you love" halos lumuwa ang mata ko sa gulat sa sinabi niya.




"bakit hate ba kita?  Assuming mo naman" sagot ko. Di ko siya hate naiinis lang talaga ako ahaha basta yun na yun.



"di mo ko hate?  Pero love moko?" natatawa niyang tanong.

Napahilot ako sa sentido dahil sa kakulitan niya. Pambihirang tanong kakamove on ko lang kay Vinz tapos love agad itatanong niya?!  Saan ang hustisya doon pweding wag muna ngayon as in ayuko pa. Arghh!



"I can wait princess" dagdag niya napalingon ako sa kanya pero ang seryoso ng mukha niya.




Bigla siyang lumabas sinundan ko lang siya ng tingin at pinagbuksan ako ng pintuan. Pero ang totoo di ko maiwasang kiligin sa ginagawa niya ang gentleman kasi parang di ka talaga pababayaan pero ayaw kong sumugal sa walang kasigaraduhan.



"ahm.. Thank you calvin" sabi ko pero nakatingin ako sa sapatos ko nakakahiya namang mag thank you hayss ewan ko ba kong bakit nakahiya




Naramdaman kong lumapit siya sa harapan ko pero di ko magawang tingnan ang mga mukha niya.

"di ako magsasawang ihatid ka I'm happy to be with you princess"


Halos gumulo ang buong sistema ko sa sinabi niya. Bigla niya akong niyakap at dinampian ng halik sa ulo. Halos nabato ako sa kinatatayuan ko at halos mabingi ako sa kaba ng dibdib ko parang ang lakas ng kabog ng puso ko. Baka abnormal naa ang puso ko hindi ko naman to maramdaman kay Vinz eh iba kasi yong kay Vinz basta di ko maipaliwanag.






Bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap at tiningnan ko siya habang papasok sa sasakyan niya ang ganda ng ngiti niya. Bigla siyang bumisina halos mapapitlag ako sa gulat at pinaharurot ang sasakyan. Sinundan ko lang ng tingin iyon hanggang sa di ko na matanaw pa.




Ano bang nangyayari sa puso ko!

The Revenge (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora