TR-Sixteen

1.1K 18 0
                                    

#TRPractice
--------

Ganon ang set-up namin lage ng pinsan kong magaling sa pagkukunwari. Di pala totoo ang palusot niya kahapon nabwesit ako lalo dahil sa ginawa niya.




Ngayon papunta kami sa basketball court para sa practice.




"ateng sabihin mo nga nakatulog kaba ng maayos kasi tingnan mo oh!  Nagmumukha kang zombiee!!" natatawa niyang sabi sa akin.




"anong zombie!  Sa ganda kong to umayos ka ah mas maganda pa ako sayo!" sagot ko.




Ang totoo hindi talaga ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay.. Kay.. Kay..













Calvin!!












Bwesit siya! Nang dahil sa ginawa niya sa akin lageng nag aappear sa isipan ko yong yakap at paghalik niya sa ulo ko. Para akong baliw kagabi dahil hindi ko maintindihan kong bakit nagkakaganon ako. Ewan ko nalang talaga!!









"oh ano naman yang iniisip mo jan!!  Para kang lutang na lutang ateng!" tanong ng pinsan ko.







"wala kana don!" sagot ko.









"high blood mo ah! May dalaw ba!" tanong niya tapos humagalpak ng tawa.







"hmp!  Hinddiiii!" sagot ko.








Bwesit din tong isang to akala niya ba papalagpasin ko yong ginawa niya. Iniwan ba naman ako ng walang paalam. Para paraan talaga ang gaga para makasama ko lang yun.. Yungg...  Arghhh!





Pagdating namin sa court nakita ko agad ang unggoy na si Calvin ang lapad ng ngiti ng loko. Inirapan ko lang siya at hinila si Carla papunta kina couch. Naglalaro sila calvin ngayon baka pagkatapos nila kami naman ata.






"nandito na si Olivia couch" sabi ng babaeng naka number 22 ewan ko kung sino siya kasi mukha naman siyang bitter eh.






"hello Olivia oh bakit di kapa nagpalit ng damit?  Sasali ka sa practice ngayon" sabi ni Couch.







"sige po magpapalit muna ako" sabi ko at tiningnan saglit si Holly na tinaasan ako ng kilay dinedma ko nalang.







Nagpaalam muna ako kay carla na umupo naman sa upuan nila calvin. Pambihirang bakla doon pa talaga umupo mukhang may natitipohan ang pinsan ko doon ah hahaha. Nakita ko rin sila Vinz na seryosong nag-uusap pero saglit ko lang silang tiningnan kasi pupunta pa ako sa cr para magpalit.








Buti dala ko ang Jersey ko galing Alumiere. Sayang naman kong hindi sosootin diba?  Practice lang naman to eh. Lynx Rising ang nakakatatak sa harapan tapos sa likod naman Dela Fuerte 08. Napatingin ako sa repleksyon ko bagay na bagay talaga sa akon ang kulay. Color neon green and black kasi ang kulay ng Jersey ko. Pagkatapos tinali ko ang buhok Ponytail lang naman.







Bumalik ako sa court sakto din tapos na rin ang mga lalaki sa practice mukhang kami na susunod.







Nakatingin ako kay Carla na laglag panga nakatingin sa akin. Pinitik ko ang noo niya nabigla ko ata siya. Ayaw kong tingnan yong iba lalo na si Calvin kasi sa tingin ko nakatingin sa akin.







"omg! Alam mo bet na bet ko talaga ang Jersey mo! Bagay na bagay sayo eh hahaha nagmumukha kang dyosaa!  Perfect" sabi niya sinapak ko naman sa braso. Bwesit ang lakas ng boses.





The Revenge (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon