Kabanata 26: Sa Bahay Ng Pantas

8.3K 12 0
                                    

Pagkatapos ni Ibarra bisitahin ang kanyang lupain, tumungo ito sa bahay ni Tandang Tasio. Isang mansyon ng katahimikan ang bahay ni Pilosopo Tasio; tahimik at maingat na lumakad papasok si Ibarra sa bahay. Nadatnan niya ang matandang abalang-abala sa pagsusulat sa isang libro nang hindi napansin ng matanda ang pagdating niya. Ilang sandali, nakita ng matanda si Ibarra at inanyayahang umupo. Nakita ni Ibarra na nagsusulat ang matanda sa heroglipiko at tinanong niya kung bakit. 

Pinaliwanag ni Tandang Tasio na nagsusulat siya para sa susunod na salinlahi sapagkat sumusulat siya ukol sa ibang panahon, ayaw rin niyang mabasa ito ng ibang tao para sunugin. Naniniwala siya na ang susunod na salinlahi ay marunong, hindi bulag, at mauunawaan siya. Pinaliwanag ni Tandang Tasio kung paano niya pinili ang titik Ehipisyo at wikang Tagalog sa pagsulat ng kanyang akda. Pinag-usapan din nila ang sawing Elias at ang malupit na si Donya Consolacion. Ilang sandali pa, nilabas ni Ibarra ang ilang pirasong papel kung saan nakasaad ang kanyang mga plano, ito'y nagmula pa sa Maynila, ukol sa pagpapatayo ng paaralan na inalay niya para kay Maria Clara. 

Naluluha ang matanda nang makita niya ang mga ito sapagkat ang kanyang naging panaginip ay isinasabuhay na ni Ibarra sa kanyang mga plano. Humingi si Ibarra ng mga payo sa matanda tungkol sa mga taong dapat lapitan upang maging matagumpay ang pagpapatayo ng paaralan. Pakiramdam ni Ibarra na isa pa rin siyang banyaga sa lugar na iyon, kaya kinailangan niyang sumangguni sa pilosopo. Ngunit, ayon sa matanda ay hindi dapat lumapit si Ibarra sa kanya tungkol sa bagay na ito sapagkat naiiba ang pag-iisip niya sa mga tao, lalo na sa simbahan. Kinataka ito ng binata. Pangalawang payo ni Tandang Tasio kay Ibarra ay tumungo't sumangguni sa kura, sa gobernadorsilyo, at sa mga may katungkulan upang magkunwaring kakampi't sumusunod sa kanila. 

Hindi sumang-ayon si Ibarra sapagkat naniniwala siyang hindi kinakailangan magbalatkayo kung ikakabuti naman ng lahat ang kanyang panukala.

Pinaliwanag pa ni Piliosopo Tasio na hindi ito maaari dahil sa ito'y karaniwang ideolohiya ng kabataang nangangarap. Paliwanag naman ni Ibarra na baka masyadong takot lamang ang tao sa mga pagbabagong ito. Hindi makumbinsi ni Pilosopo Tasio si Ibarra na tunay ngang walang kapangyarihan ang nasa gobyerno dahil maging ang gobyerno ay takot mag-alsa ang mga tao at ang mga tao ay takot sa posibilidad na aabusuhin ng gobyerno ang minalas na "lakas" kung kaya walang magagawa ang dalawang panig kung hindi pumasailalim sa mga kura't probinsyal. Salungat pa rin si Ibarra at nagpapasalamat pa ito na hindi katulad ng Pilipinas ang iba pang naghihirap na bansa. 

Pinaunawaan ni Tandang Tasio na hindi pa nakikita ng binata ang mga taong labis nagdurugo sa mga utang. Tumanggi ang binata dahil naniniwala siya na hindi ito papayagan ng Diyos, Gobyerno, at ng Relihiyon sapagkat mahal ng mga Filipino ang Espanya kahit hindi perpekto ang sistema. Hiling na lamang ng matanda na huwag itong umasa sa paghingi ng malasakit mula sa mananakop. Hindi na nagpigil ang binata't pinahayag na maaari ngang hindi kilala ng gobyerno ang bayan ngunit kilala ng bayan ang gobyerno, mahal ni Ibarra ang Espanya, ang kanyang bayan, at labis niyang pinanghahawakan ang relihiyong Katolisismo na minana niya sa kanyang mga magulang. Binalaan siya ni Tasio tungkol sa mga kalaban ni Ibarra at kung paano kailangan niyang pumasailalim sa kanila. Ikinagalit ito ni Ibarra sapagkat ayaw niya maging kakampi ang mga taong binastos ang kanyang ama. 

Pinaintindi ni Tandang Tasio kay Ibarra ang mga balakid at pagsubok na haharapin ng binata kapag pinagpatuloy niya ito, lugod inintindi ito ni Ibarra habang iniisip niya si Maria Clara na kanyang pinangakuang matutupad ang proyektong ito. Nilakad ng matanda si Ibarra sa bintana upang pagmasdan ang halamanan; dito pinaliwanag ng matanda na dapat tularan ni Ibarra ang mahinang sanga na hitik sa rosas at mga buko. Kinailangan ni Ibarra ng matibay na sasandalan para makabangon kapag siya'y pilit na pinababagsak. Napagtanto ni Ibarra ang realidad, ang katotohanan na marami siyang haharapin na pagsubok kaya nabahala siya dito. Matalinhagang nilarawan ng matanda ang maaaring mangyari sa proyekto ni Ibarra. Sinabi rin niya na kung kahit ito'y mabigo, isa itong magandang pundasyon, mabuting simulain para sa kinabukasan. Nalinawan na si Ibarra tungkol sa posisyon niya bilang mamamayan, aniya na tunay na matalino ang pilosopo at tama lamang na siya'y pumunta sa kanya; labis niyang pinasalamatan ang pesismong pilosopo at nagtungo sa kura. Sinundan ng mga mata ni Pilosopo Tasio si Ibarra paalis sa kanyang tahanan.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now